Halimuyak

Minsan, may mga taong darating sa buhay mo
Na mag-iiwan ng mga bagay na tatatak sa isipan mo
Tulad ng kaniyang halimuyak
Na una mong naamoy sa unang araw na kayo’y nagkita
Halimuyak na hindi man lang natatanggal
Sa kabila ng pakikipagdigmaan niya
Upang siya’y makarating sa kaniyang paroroonan
Ngayong umaga;
Sa iyong tabi.

Uuwi kang dala-dala ang halimuyak na dumikit sa iyong kamay
Nang minsan mo siyang masagi sa balikat nang ‘di sinasadya
Bahagya mong tatakpan ang iyong ilong
Upang di makalanghap ng usok sa lansangan
Ngunit ang katotohanan ay nilalasap mo na
Ang halimuyak na hinding-hindi mo makakalimutan
Sa kamay na hinding-hindi mo huhugasan

Continue reading

Advertisements

Sapat Na

Di man kita makita
Hawakan ka’y di man magawa
Sapat nang makausap ka
Sapat na ang mga salita

Di man kita marinig
Sa puso ko’y pumupintig
Mga mensahe mong nakakabilib
Kahit tuldok ako’y kinikilig

Continue reading

Avenida

Nakilala ko siya, isang gabi
At kinilala niya ako
Hinila niya ang aking kamay
At saka ako dinala sa kaniyang santuwaryo
Tahimik ang gabi
Bahagyang nakapalibot sa kuwarto ang liwanag na singhina ng kandilang kumikislap
Pinapasok niya ako at inimbitahang umupo
Sa kaniyang silid na walang upuan — kundi, higaan
Dito ko na lang daw muna palipasin ang gabi
Habang pinagsasawaan ko ang kaniyang mapupulang mga labi
Continue reading