Ako’y Babalik

Ako’y babalik sa alaala ng kahapon
Sa oras na sabay tayong nangarap
Sa gitna ng damuhan at ilalim ng alapaap

Ako’y babalik sa alaala ng kahapon
Sa oras na tayo’y magkayakap
Bago ka sumuko at bumitaw

Ako’y babalik sa alaala ng kahapon
Sa oras na lumamig na ang sikat ng araw
At ika’y hindi na matanaw

Continue reading

Tatlong Linggo

Iyak na lamang ang isasagot,
Sa masalimuot na pangyayari.
Luha na lamang ang iaalay,
Dahil tuluyan ka nang nawalay.

Nagsimula ang istorya sa “hi”,
At nagtapos sa salitang “bye”.
Hangad lamang na hawakan ang ‘yong kamay,
At hagkan ka sa tuwing ako’y nalulumbay.

Tatlong linggong saya at tuwa,
Tatlong linggong iyak at luha,
Tatlong linggong pagmamahalan,
Talong linggong ‘di ko malilimutan.

Continue reading

2:14 pm

Taong  2009. Third year high school ako noon nang unang beses kong nasilayan ang kabigha-bighani niyang ngiti at ganda. Inaamin ko lubos ko siyang hinahangaan at sa tuwing siya ay aking nasusulyapan, nakukumpleto ang aking araw at ang pakiramdam ko ay gumagaan. Siya rin ang dahilan kaya lagi akong sinisipag pumasok ng maaga at ang rason kung bakit lagi akong nagsusumikap sa pag-aaral.

“Oo ! Siya ang aking inspirasyon.”

Habang ako ay pauwi na ay may narinig akong humahagulhol at ng ito ay aking hanapin ay nagulat akong sa kanya pala ito nanggagaling. Nakita ko siyang nag-iisa at nakayuko sa study table namin kaya naman agad akong lumapit dahil sa labis na pangamba kahit nanahihiya ako. Iniabot ko ang aking panyo at sabay sabing.

“Lahat ng problema ay may solusyon. Kaya tahan na aking kaibigan. Sayang ang buhay kung hahayaan mong malugmok ka sa kalungkutan.”

Nagulat siya at biglang napatingin sa akin. Nang mga sandaling iyon hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon niya o dapat akong matuwa dahil ikaw ay akin ng nakausap. Lubos akong nagulat ng bigla niyang kunin at ang panyo at biglang nagsabing.

“Tama ka nga. Kailangan kong isipin na kaya ko nga tong malagpasan! Problema lang ito!”

Labis akong natuwang kunin niya ang panyo na aking inabot at bukod dun ay nasilayan ko ng malapitan ang taglay niyang kagandahan at ang kanyang walang kasing tamis na ngiti. Tinabihan ko siya at kaming dalawa ay agad na nagkapalagyan ng loob. At magmula nga nun ay naging matalik na kaming magkaibigan.

Continue reading