The Nameless One

I’ve been living here longer than most of the people here. I was born here and I grew up here. For the past two and a half decades, I watched this town grow. New faces in new houses; every day is a brighter day.

Most of the locals I grew up with are perhaps too old to recognize me, but some still do. Was it because I aged or had their memory been erased by time? On my morning walks, I pass by some neighbours sweeping old leaves and food wrappers off the street. They would often notice me and call my name to say hello. Only the old folks do this. The new neighbours don’t fancy sweeping the street. Are they still asleep? Or do they not like mornings at all?

I remember back when I was still young, I would often go out and play with my friends. We would play tag, hide-and-seek, and even pretend we are playing Counter-Strike live with pretend-bombs, bomb sites, and spawn areas. All of us call each other nicknames, and we only know each other by those names. I’m not sure if they still remember mine, but I still do remember theirs. It has been years since I last played with my friends. I seldom see my old playmates; if I do, I would see them smoking sticks. Some might have already left to live somewhere else with their parents. It seems like I’m the only one left here.

I do not go out and go around town that much anymore. But if I were shown all the people living in our town, I can recognize which people are living in the vicinity, while also naming those who I know. The rest, they are our new neighbours who settled in the numerous newly built apartments probably because our town is near the workplace. I can say, our town really grew big through the years.

A few months ago, I thought I saw a familiar face. I have a feeling because I can recall playing with her many years ago when we were kids. Or maybe she was just another of those new kids who came here just a few years back. I am not sure; I might not have actually seen her before.

Continue reading

Advertisements

Ang Perpektong Kapares ng Gatas

Ang kasal ay kasal at walang makakapigil dito.
Ito ang sagradong sakramento ng pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan at masayang kapiling ang isa’t isa.
Maglalakad papunta sa altar at ipagtatapat ang walang hanggang pag-iibigan ng dalawa.
At habambuhay nang magiging masaya ang buhay nila.

Buhay na kay sarap.
Buhay na kasama ang perpektong kapares mo.
Parang sa pagkain.
Ang kape, may gatas.
Ang toyo, may suka.
Ang dinuguan, may puto.
Ang manggang hilaw, may bagoong.
Tayo kaya, bagay ba tayo?
Kasi pakiramdam ko, ikaw na ang perpektong kapares ko.
Dahil mas masarap mabuhay kapag kasama ka.

Ang buhay ng isang tao, ay parang itim na kape.
Kapag hindi mo hinaluan ng tamis ay mananatiling mapait ang lasa nito.
Ikaw ang gatas sa kape ng buhay ko.
Ang nagpatamis sa mga araw na kulang sa lasa.
Nang dumating ka sa buhay ko, binigyan mong halaga ang bawat araw sa buhay ko.
Gabi-gabi ay natatakot akong mamatay ka, dahil ayaw kong magdusa ako sa iyong pagkawala.
Ang kutsilyong panghiwa mo sana sa iyong pulso, ipinanghihiwa mo na lang ng mansanas para sa’kin.
Mansanas na sa’kin mo lang iaalay.
Mansanas na sintamis ng mga halik mo.
Mansanas na hindi ko pagsasawaan lalo na’t kasama ka.

Continue reading

Ang Puno ng Mangga ni Manong Julio

Nakita ko siyang nakatayo sa malayo
At tinanong niya ang pangalan ko
Ang sabi niya’y noon ay nakatira siya dito
At nasabi niyang marami nang nagbago

Ang pangalan niya raw ay Manong Julio
At dito raw siya ipinanganak
Kahawig ko raw ang kanyang apo
Na laman ng kanyang bunsong anak

Masaya siya dahil ‘di namin pinutol
Ang puno ng mangga na binabalikbalikan niya
Ang aming pag-uusap ay biglang naputol
Nang tawagin na ako ng aking mama

Continue reading

Ang Pinakamalupit na Kuwento sa Buong Mundo

Malapit nang lumubog ang araw at naglalakad na papunta sa sakayan ng jeep si Henry na pauwi na mula sa unibersidad na pinapasukan. Kasama niya ang kaniyang matalik na kaibigan na si Faye na isang magaling na manunulat tulad niya.
“Kakain pa ba tayo?” tanong ni Henry kay Faye. “O uuwi ka na agad?”
Hinila ni Faye ang tali ng kaniyang bag na nakasabit sa balikat niya.
“Hmm, sige,” sagot ni Faye. “Nagugutom na rin ako eh.”
Lumiko muna sila sa kanilang dinaraanan at pumunta sa pinakamalapit na fastfood restaurant.

Habang sila’y naglalakad ay napansin nila ang isang mataas na gusali na luma na at mukhang abandonado. Tumingala sila at pinagmasdan ang sira-sirang mga bintana sa bandang itaas ng gusali.
“Ano’ng klaseng building ‘yan?” tanong ni Henry. “Lagi ko ‘yang nakikita pero ‘di ko alam kung bukas ba ‘yan.”
“Asan?” dumudungaw si Faye sa sa likod ng mga bahay.
“Ayun oh, ‘yung mataas na mukhang luma,” tinuro niya ang nag-iisang mataas na gusali sa lugar.
“Hala, oo nga ano? Nakakatakot ‘yung itsura niya.”
“Ha ha! Sarap gawan ng kuwento niyan.”
“Oo nga! Ano kaya maganda?”
“Ano, uhm, horror-adventure sa loob ng building na iyan. Ha ha ha!”
“Tignan mo naman kasi oh, ano kaya itsura niyan sa loob?”

Pinagmasdan nilang pareho ang mataas na gusali nang may kuryusidad. Maraming lumang gusali sa Maynila, pero nakakapangilabot tignan ang gusaling ito. Marahil iyon ay dahil ito lang ang natatanging gusali sa paligid na may taas na sampung palapag at mukhang matagal nang inabandona. Mula sa kanilang kinatatayuan, nakikita nila ang basag na salamin ng mga bintana at ilang mga punong tumutubo mula sa pader ng gusali. Walang pintura ang gusali, at kung meron man ay kumupas na ito sa tagal ng panahon nitong nakatayo at nadumihan na ng hangin at ulan.
“Gusto mo, daanan natin iyan mamaya?” tanong ni Henry kay Faye.
“Sige ba,” masigasig na sagot ni Faye. “Matagal ko na ring napapansin iyan eh. Kita kasi iyan sa bahay namin sa Q.C.”
“Talaga?” ‘di makapaniwala si Henry.
“Oo, pinagmamasdan ko nga iyan minsan ‘pag wala akong magawa.”
“O sige, puntahan natin iyan mamaya. Alam ko ‘yung daan papunta diyan eh.”
“Wow ah, hindi ka nga taga-rito eh.”
“Basta alam ko daan diyan! Tara na kumain na tayo!”
“Sabi mo iyan…”

Continue reading