Diary Nating Lahat

Noon, masulat lang natin sa papel ang ating nadarama, ayos na
Hindi na kailangan na ng mambabasa
Hindi na kailangan ng simpatya
At hindi na rin kailangan pusaan nila
Pero ngayon..

Sa pagpatak ng oras ay may nabubuong araw
At sa bawat araw na dumadaan ay may nabubuong buwan
At sa daming buwan na, na ating pinagsamahan
Ito na ang taon, ang pagkakataon, ang WI-FI kailangan laging naka-ON!
Kailangan na natin ng koneksyon!
Well, welcome sa makabagong mundo
Kung saan napakaliit ng ispasyo
Madaling makakita ng mga tao
Ultimo taga malayo maabot mo
Aba’y sobrang high tech na ng dayaring ito
Pero ang pinagkaiba nito sa noon
Wala nang privacy ang diary mo ngayon

Continue reading

Ang Tanging Gusto Kong Sabihin Sa’yo

“Ikaw ang buhay ko” katagang ayaw kong sabihin sayo
“Ikaw ang mundo ko” kabaliwang hindi ko ipaparamdam sayo
“Masaya ako sayo” oo pero hindi oras-oras at minuminoto
“Ikaw lang ang laman ng puso ko” ngunit hindi yan totoo

Ayaw kong mamulat ka sa paasang mundo
Ayaw kong mabuhay ka sa imahinasyon
Hayaan mong reyalidad ang ibigay ko sayo
Kaya’t pag sinabi kong “mahal kita,” ayun na yun!


Featured image by everydei