Ang Nag-Iisang Kapeng Masarap Lunukin

Dati, ako ‘yung taong gustong uminom ng kape,
Kaso bawal dahil bata pa ako noon.
Iniisip ko, ano nga ba ang lasa ng kape?
Bakit maraming gustong uminom ng kape?
Sabi nila, masarap.
Basta subukan ko na lang daw.

Kaya sinubukan ko.
Nagsimula sa isang tasa at nagustuhan ko.
At tama nga sila; masarap ang kape.
Lalo na kapag first time mo.
Ramdam mo ang hagod na bumabalot pababa sa iyong leeg
Habang niyayakap ka ng init na dulot ng paghigop mo sa tasa

Masarap.
Sobrang sarap.
At simula noon, palagi ko na itong hinahanap hanap.

Mas masarap daw ang kape na gawa sa coffee shop kaysa sa 3-in-1­ na nabibili sa tindahan.
Sus, pare-pareho lang naman iyan eh.
Kaya kang painitin.
Kaya kang pakabahin.
Kaya kang gisingin nang ilang oras, buong gabi.
Pero bakit ka pa ba nagpapakahirap sa kapeng sobrang mahal kung meron namang mas malasa na mura pa?

Sa kabila ng pagkakapantay-pantay ng epekto ng kape sa katawan ko,
Mayroong nag-iisang nangingibabaw sa panlasa ko.

At doon nabago ang tingin ko sa kape.

Una ko siyang nakita na hawak ng kaibigan ko.
Unang tingin ko pa lang, alam kong magugustuhan ko ‘to.
Amoy na amoy ko sa paligid ko ang kanyang aroma na inaakit ang mga ilong ko
Na tila sinasabing, “Halika, sipsipin mo na ako.”
Matitikman din kita, pero hindi pa muna ngayon.

Patuloy ako sa pag-inom ng kapeng nakasanayan ko.
Pero bakit ganun? Parang nawawala ang lasa?
Tipong paulit-ulit na lang akong walang matikman.

Baka may hinahanap.
Baka lang naman.

Hinanap ko ang kapeng iyon.
Hinalughog ko ang bawat kapihan mahanap lamang ang kapeng iyon na walang katulad.
At sa gitna ng mga kapeng pare-pareho lang ng lasa, natagpuan ko ang tamis ng kapeng nag-iisa.

Siya ang kapeng kasama ko sa tuwing pumapasok ako
Dala-dala ko hanggang sa tabi ng inuupuan ko
Hahalikan ang nag-iinit na tasa at hihigupin ang iyong nag-uusok na katas

Siya ang kapeng dinala ko sa bahay ko.
Ang kapeng nagpainit sa gabi
Kung saan ako’y nag-iisa at nangangailangan ng makakasama

Siya ang kapeng nakapagpaligaya sa’kin.
Ang nag-iisang kapeng masarap lunukin
Na siyang hindi mo pagsasawaan
Kahit ilang tasa pa ang iyong timplahin

Siya ang kapeng nakapaso sa dila ko
Na sa sobrang init ay napapatagal lalo ang oras na kasama ko ito.
Unti-unting sisipsipin.
Unti-unting lulunukin.
Unti-unting isasawsaw ang matigas na tinapay na manlalambot sa init mo.

Siya ang pinakamasarap na kapeng natikman ko.
Kapeng Barako na may halo.

Sinasabi ko sa sarili ko, “Paano ka naiiba sa lahat ng kapeng natikman ko?”
Wala siyang katulad.
Ni hindi pa ako nakakatikim ng kapeng sinsarap nito.
Na sa sobrang sarap ay naipapasok ko ang dila sa loob ng bunganga ng tasa mo.

Darating din ang araw na ang lahat ng kape ay pantay-pantay na lang sa tingin ng mga tao.
Na hindi na sila maghahangad pang makatikim ng higit pa sa kanilang mga natikman.
Dahil kung ang lahat ng kape ay pare-parehong special, ano pa ba ang kapeng special na matitikman ko?
Ikaw pa rin.
Dahil ikaw ang paborito ko.

Ngunit nabulag ako.
Nabulag ako sa sobrang sarap mo.
Bakit pa ako susubok ng ibang lasa ng kape kung pare-pareho lang naman ang epekto nito?

Natakot ako.
Natakot ako sa maaaring mangyari sa katawan ko.
Ayaw kong mangatog sa tuwing hindi ko nalalasap ang tamis at init mo.
Ayaw ko na.
Baka ikamatay ko pa ang pagkahumaling ko sa’yo.
Bakit ko pa paiinitin ang kape kung palalamigin din lang naman?

Gayunpaman, kahit katulad mo lang ang lahat ng kapeng napamahal ko, wala pa ring makakalamang sa sarap na dinala mo sa buhay ko.
Hinding-hindi ko makakalimutan ang panahon na nagkagusto ako sa isang barako.

Hinihikab nanaman ako.
Mukhang kailangan nanaman kita sa buhay ko.

July 29, 2017


NOTE: Some lines have already appeared in previous poems by Clover Lark. You can also find them here. 😉


Featured image by TheGreatMisterE

Advertisements

One thought on “Ang Nag-Iisang Kapeng Masarap Lunukin

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s