Diary Nating Lahat

Noon, masulat lang natin sa papel ang ating nadarama, ayos na
Hindi na kailangan na ng mambabasa
Hindi na kailangan ng simpatya
At hindi na rin kailangan pusaan nila
Pero ngayon..

Sa pagpatak ng oras ay may nabubuong araw
At sa bawat araw na dumadaan ay may nabubuong buwan
At sa daming buwan na, na ating pinagsamahan
Ito na ang taon, ang pagkakataon, ang WI-FI kailangan laging naka-ON!
Kailangan na natin ng koneksyon!
Well, welcome sa makabagong mundo
Kung saan napakaliit ng ispasyo
Madaling makakita ng mga tao
Ultimo taga malayo maabot mo
Aba’y sobrang high tech na ng dayaring ito
Pero ang pinagkaiba nito sa noon
Wala nang privacy ang diary mo ngayon

Ito ang diary ng lahat
Lahat ng mga nais tumakas sa mapanakit na mundo
Lumilikha ng bagong pagkatao
Iniaangat ang buhay, sarili at estado
Kahit hindi namn talaga totoo, ultimo sarili niloloko
Kaya’t kung isa ka dito;
Ito lang ang maipapayo ko
Tangapin mo ang mayroon sayo
Magsumikap ka para mukuha ang gusto mo
Hindi yung post ka ng post na marangya ang buhay mo, imahenasyon lang pala iyon

Narito rin ang mga walang nagkakagusto
Kaya sa like bumabawi ang mga gago
Magseselfie, kita suso, pak panalo!
Inuulan ng likes at mga puso ang litrato
Mga fuckboy nagkukumahog sa pagkomento
Tuwang tuwa pa ang ate mo
Akala niya gusto na siya ng mga tao
Pero ang totoo, ang daming nandiri sayo
Wag kang bobo!
Hayaan mong pag-ibig ang humanap sayo
Hindi yung bababuyin mo ang pagkababae mo
Para lang may magkagusto sayo

At ang nakakainis pa dito
Matatagpuan din natin sa dayaring ito
Ang mga taong nagpapasikat ng husto
Gagawa ng kung ano-ano makapukaw lang ng atensyon
Gaya ng pagpopost ng maling impormasyon
Tayo namang mga tanga, sige ang sang-ayon
Ni hindi pa nga alam kung saang naggaling ang balitang iyon
Isheshare pa with caption!

At nagririto rin ang mga jejemon
Magpopost ng hindi naman napapanahon
Ito yung mga tinatawag na mema
Memaya lang sasaputusin mo na
Dahil sa minuminutong statues na hindi nakakatuwa
Memasabi lang, akala mo ngayon lang nagkaaccount sa social media
Ang sarap nalang magmura
Yung tipong laman ng newsfeed mo halos lahat siya
Tapos ito pa!
Malalaman mo, minor de edad lang pala
Makahugot akala mo nasaktan ng sobra
Hay naku, bata
Mag-aral ka muna
Alamin mo muna kung paano makita ang X sa Algebra

Hindi pa huli ang lahat
Wag nating hayaang epedemya sa social media ay kumalat
Mata ay imulat; sabay sabay tayong mangarap
Na sana’y bawat patak ng oras ay may mabuong araw
Sa bawat araw na dumaan ay may mabuong buwan
At sana’y dumami ang buwan ng ating samahan
Hanggang sa dumating ang taon, ang pagkakataon;
Na matalinong gamitin ang social media ngayon
Para sa sibilisasyon at para sa pag-usbong
Ng bagong Pilipinas; nasa iyo ang desisyon
Hashtag: Wag kang social climber
Hashtag: Wag kang baboy
Hashtag: Wag kang tanga
Hashtag: Wag kang jejemon
Hashtag: Wag kang famewore

Baguhin na natin ang sistema
Sa paggamit ng social media
Dahil ito ang diary nating lahat
Maraming salamat!

June 21, 2017

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s