Sa Pagitan

Kung ang mga parte ng kalawakan ay patuloy sa paglago at marahang paglayo,
At ang lupa at kalangita’y hindi pa minsang pinagtatagpo
Sa umpisa,
Sa dulo
Paano tayo?
Paano tayong nasa gitna?
Sa pagitan ng hangganan at kawalan.
Pagtatagpuin kaya?
Maglalapit kaya?
Paglalapitin ngunit paglalayuin
Ipit sa pagitan ng “Sana” at “baka”
Sana makilala na kita at makasama,
Ngunit takot sa bawat baka,
Na tulad ng ulap ay dahan dahan ka ring aalis at mawawala;
Naguguluhan sa pagitan ng siguro at sigurado,
Malabo ang bawat susugal o susuko;
Masasanay rin ba ako?
Sa bawat pagdating at pagalis,
Sa pagderetso’t paghinto
Hihinto sa gitna
Kung nasaan ka,
Sa pagitan ng umpisa at wakas
Sa pagitan ng introduksyon at konklusyon,
Sa gitna kung saan kita makikilala
Mamahalin,
Pahahalagahan,
Bibitawan
Magwawakas
Dahil mawawala ka rin tulad ng araw sa kalangitang unti-unti nang dumidilim.

March 29, 2017


Featured image by yowriri

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s