Ako Naman

Nagmahal
Ngumiti
Pinaikot
Pinaasa sa matatamis na salita;
Nasaktan
Nagmahal
Nagmahal nang nagmahal,
Pagkatapos ay niloko
Hindi ka na natuto
Basa na ng luha ang mga pisngi’y ngumingiti ka pa rin,
Wasak na ay nagpapatuloy pa rin.
At ako nama’y nandito,
Walang magawa, wala.
Sabi mo kasi noo’y hayaan kitang sumaya
Hayaan kitang ngumiti sa tabi ng taong dahilan naman ng pagluha mo ngayon,
Umiyak,
Umiyak ng umiyak…
Pero nandito parin akong taga-salo mo
Halika, sandal ka muna sa balikat ko
Hetong panyo, lumuha ka
Ilabas mo ang lahat
Dito ka sa tabi ko, ikwento mo
Pagkatapos ay kalimutan mo’t ngumiti ka na,
Hindi para sa kanya
Ngumiti ka para sa akin
Para hindi rin ako masaktan,
Yakapin mo ako’t ilalayo na muna kita,
Kung pwede, kung pwede sana
Nandito naman ako diba?
Ako naman
Ako na muna
Ako na muna ang magaalaga sayo,
Ako na muna ang magbabantay sayo
Hayaan mong ako naman ang magmahal sayo
Kahit ngayon lang, kahit panandalian
Kahit alam kong bukas paggising mo’y siya parin ang hahanapin mo
Siya parin ang piliin mo’t mananatili na lang ulit ako sa likod mo.

March 21, 2017


Featured image by yowriri

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s