Papa, Nasaan Ka Na?

Papa, nasaan ka na?
Hinihintay ka na ni mama
Sabi mo, uuwi ka na
Bakit hanggang ngayon, wala ka pa?

Papa, nasaan ka na?
Nag-aalala na ngayon si mama
Hindi mo raw kasi sinasagot
Ang mga tawag niyang para sa’yo

Papa, hindi namin alam
Ang nangyayari sa’yo
Papa, bakit mo kami ginaganito?

Papa, ano ba’ng problema mo?
Bakit ‘di namin alam ang nangyayari sa’yo?
Sana’y ikaw ay nagsabi
Para wala kaming iniintindi

Papa, ano ba’ng problema mo?
Hindi namin alam kung ano’ng meron sa’yo?
Ano ba’ng pumasok sa isip mo
At kami ngayo’y iniiwasan mo?

Papa, nasaan ka na?
Umiiyak nanaman si mama
Nakita ka niya raw
Na may kasamang iba
Ang mundo ko’y biglang
Nagunaw

Papa, nasaan ka na?
Hindi ka na raw namin makakasama
Sumama ka na raw
Sa bago mong kinakasama
Wala na ba talaga kaming
Pag-asa?

Papa, bakit ‘di namin alam
Ang nangyayari sa’yo?
Papa, ba’t mo nagawa sa amin ‘to?

Papa, ano ba’ng problema mo?
Bakit pinabayaan mo kami dito?
Wala na ba kaming silbi
Kaya ‘di mo na iniintindi?

Papa, ano ba’ng problema mo?
Ba’t kailangan mo pa sa aming magtago?
Sino na lang ba kami para sa iyo
At kami ngayo’y iniwan mo?

Papa, nasaan ka na?
Nawalan ng malay si mama
Nakita ko siya
Sa banyo mag-isa
At bumabaha ang sahig
Ng dugo at suka niya

Papa, umuwi ka na
Wala na akong kasama
Susunod na ba ako kay mama?
Oh papa, umuwi ka na

Umuwi ka na…

Advertisements

One thought on “Papa, Nasaan Ka Na?

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s