Hubaran Mo Ako

Hinubad ko ang aking damit na babad sa pawis mula sa aking huling workout session. Humarap ako sa salamin. Nakita ko ang isang diyosang ubod ng ganda ang katawan. Leeg na kaynipis. Dibdib na kaylaki. Beywang na kaysikip. Balakang na kaylapad. Pwet na kaytambok. Binti na kaytikas. Ako na nga ito. Ilang taon kong hinintay ‘to. Ilang taon akong nag-diet, nag-jogging, nag-sit-up, at kung ano pang klase ng ehersisyo para lang sa araw na ‘to. Sa wakas, nabawasan na ng 72 kilos ang timbang ko, nabawasan na rin ng 12 inches ang waistline ko, at higit sa lahat, maganda at malaki na ang pwet at dibdib ko! Ilang taon kong pinaghandaan ito. Sana naman ngayon, matanggap na niya ako.

Tumunog ang aking phone. May friend request galing sa kanya. Galing sa lalaking pinaasa ako noong ako’y mataba pa. Himala at hanggang ngayon ay naalala pa niya ako sa kabila ng ginawa niya sa akin anim na taon nang nakalilipas. Masakit pa rin hanggang ngayon sa tuwing naaalala ko ang araw na iyon. Pero kahit na hindi man maalis sa isip ko ang sama ng loob ko sa kanya, hindi rin naman maalis sa puso ko ang nararamdaman ko para sa kanya. Paminsan-minsan ay nais ko siyang tanungin kung kumusta na ba siya at kung ano na ba ang pinagkakaabalahan niya. Kung may girlfriend na ba siya o asawa. Pero bakit kaya niya naisipang hanapin ako ngayon? May nais ba siyang sabihin sa’kin? Nalaman na ba niya sa wakas na mali ang paasahin niya ako? Humiga muna ako at nagdesisyong huwag muna magbihis.

Bago ko tanggapin ang friend request niya, minabuti ko munang tignan ang profile niya. Gwapo siya sa profile picture niya ah. Malaki rin ang pinagbago sa itsura niya nung huli ko siyang makita. Swerte siguro ng napangasawa niya. Teka, bakit single ang nakalagay na relationship status sa profile niya? Sa gwapo niyang iyan, hindi siya nagkaroon ng jowa? Puro selfie niya nga ang nasa profile niya. At meron pa siyang litrato nang naka-topless ha! Marami kayang nagkakagusto sa kanya? Hindi maaari; dapat ako lang!

Hindi pa ako tapos sa kakatingin sa mga litrato niya ay nakatanggap ako ng mensahe galing sa kanya.
Hello! Remember me?” sabi niya.
Inaamin ko, sinubukan ko siyang kalimutan noon. Pero siya pa rin ang dahilan kung bakit ko binago ang sarili ko. Lahat ng ito ay ginawa ko para sa kanya.
“Hi! Of course, I remember you,” reply ko.
Kumusta ka na? Di mo naman sinabi na diyosa ka na pala.
Natawa ako. Pinaasa na nga niya ako noon, nagawa pa niyang mambola.
“Ha ha ha! Okay lang naman ako. Medyo stressed sa trabaho kaya sa workout ako nakakapagrelax. Ikaw ba?”
Okay lang din, umaasenso sa buhay.
“That’s great!”
Ilang segundong walang imik.
Are you free tonight?” tanong niya sa’kin bigla.
Wala naman akong lakad at wala rin naman akong dahilang tanggihan siya kung yayayain man niya ako.
“Yeah, I’m free tonight. Why?”
Okay lang bang yayain kitang lumabas later?
Sabi ko na nga ba. Ngayon na ang tamang oras para harapin ko siyang muli. At naniniwala akong handa na ako.
“Sure, why not? Saan ba?”
Sinabi niya sa akin kung saan at kung anong oras. Kinabahan ako. Pero matagal ko ring hinihintay ang oras na ito. Anim na taon. Sana ngayong gabi ay magustuhan na niya ako.

Kinagabihan ay hinanda ko ang aking sarili at humarap sa salamin. Kinulot ko ang aking buhok at naglagay ng make-up sa aking mukha. Nagsuot ako ng T-back underwear, skinny jeans, at tube. Siguradong mangingibabaw ang mga kurbada sa aking katawan at sigurado akong magugustuhan niya ako kaagad sa unang tingin pa lang. Saksi ang salamin sa muli kong pagpapakita sa kanya.

Nakipagkita kami sa isang bar tulad ng aming napag-usapan. Pagpasok ko pa lamang ay lumingon na ang higit sa sampung lalaking umiinom lamang sa tabi at pinagmamasdan ang bawat pagtalbog ng suso ko. Tinitigan nila ako nang may halong paglalaway at pagnanasa. Tila ngayong gabi ay gusto nilang gahasain ang isang diyosa. Pero hindi pwede, dahil para sa iisang lalaki lang ang katawang ito ngayong gabi.

Ilang sandali pa ay nakita ko siyang nakaupo sa isang table at siya ay aking nilapitan. Nakilala namin kaagad ang isa’t isa kahit ilang taon na kaming hindi nagkikita.
“Andito ka na pala,” sabi niya.
“Sorry, natagalan. Nag-ayos pa kasi ako eh,” sabi ko sa kanya.
“Napansin ko nga. Ang ganda mo.”
“Hindi ako nagpapayat para bolahin mo.”
Natawa siya. Hindi ko inakalang magtatawanan kaming dalawa ngayong gabi. Umorder siya ng alak at sabay kaming uminom.

Magkatabi kaming nag-inuman. Buong gabi kaming nagkumustahan at nagkuwentuhan. Unti-unti akong lumapit sa kanya habang siya ay aking hinahawakan. Tinititigan ko lang ang kanyang mga mata at hindi na nakikinig sa pinag-uusapan.
“May gusto pala akong ipakita sa’yo,” sabi niya sa akin.
“Ako rin, may gustong ipakita sa’yo,” ang nasabi ko.
Linapit ko ang katawan ko sa kanya para mapansin niya ang dibdib kong gustong magpahimas sa mga kamay niya.
“Uhh, eto nga pala ‘yung gusto kong ipakita,” siya’y bahagyang umatras at may inilabas mula sa kanyang bulsa.
Isang litrato. Litrato naming dalawa. Payat pa siya sa litratong iyon habang ako naman ay napakataba.
“Naaalala mo pa ‘to?” tanong niya. “Pinakuha ko pa ‘yan sa kaklase natin noon para may remembrance tayo noon!”
Oo. Naaalala ko pa. Kinunan iyan noong gabing pinaasa mo ako.
“Ahh! Oo, naaalala ko pa,” sagot ko kahit wala na akong pakialam sa sinasabi niya.

Hindi ko alam kung anong klaseng hiwaga ang meron sa gabing iyon at tila napamahal ulit ako sa kanya. Parang gusto kong magpakantot sa kanya ngayon din mismo. Sakto namang pinatugtog sa bar ang isang mahalay na tugtugin. Nabuhayan ako ng loob at kinuha ang kamay niya.
“May I have this dance with you?” tanong ko sa kanya.
Nahihiya pa siyang tanggapin ang alok ko, pero wala siyang nagawa dahil hinila ko na siya. Minsan lang akong makipagsayaw sa isang lalaki kaya hindi ko na papalampasin ang pagkakataong ito.

Sinayawan ko siya at dinikitan ang katawan niya. Hinipo-hipo ang pribadong bahagi ng katawan niya. Inamoy-amoy ko ang kanyang leeg habang humahaplos ang aking mga kamay sa paligid ng katawan niya. Pinahawak ko sa kanya ang aking katawan, mula balikat hanggang beywang. Nantaas ang aking mga balahibo sa sarap. Gusto ko pa. At nararamdaman kong gusto rin niya.

Naramdaman ko na ang lukso ng aking dugo. Gusto ko ng init! Gusto kong maramdaman ang init na matagal kong hinintay mula sa kanya. Hinila ko siya paloob sa banyo ng bar. Kinandado ko ang pinto at itinulak siya sa pader. Malalim ang paghinga at naglalaway na ang aking bunganga.
“Hubaran mo ako!” sigaw ko sa kanya.
Kinuha ko ang kanyang mga kamay at pinahubad sa kanya ang aking tube. Nanlaki ang kanyang mga mata nang bumulwak sa harapan niya ang malalaki kong suso. Ipinuwesto ko ang kanyang mga kamay sa aking beywang at saka ko hinawakan ang kanyang panga. Sinunggaban ko siya ng halik – halik na anim na taon nang naudlot. Hinigop ko ang kanyang bibig at dinilaan ang nag-iinit niyang bunganga.

Gusto ko pa! Hindi ako makuntento sa mga paghalik. Gusto kong isubo ang ari niya! Habang siya ay aking hinahalikan, ipinasok ko ang aking kamay sa loob ng kanyang pantalon. Hinimas ko ang kanyang ari para ito ay tumigas. Pero wala. Sinlambot pa rin ito ng tinapay na hilaw. Humawak siya nang mahigpit sa aking balikat at tinulak ako palayo sa kanya.
“Pasensya na,” pakusap niya. “Pero hindi ko gusto ang ginagawa mo.”
Napahiya ako. Hindi ba siya nakipagkita sa akin para matuloy ang mga bagay na naudlot anim na taon na ang nakakaraan? Magkahalong lungkot at galit ang sumanib sa puso ko. Bakit ganito?! Napahiya lang ako!
“Lumayas ka!!” sinigawan ko siya. “Umalis ka sa harapan ko! Bastos! Paasa!”
Tinulak ko siya palabas sa pinto ng banyo at kinandado muli ang pinto. Paulit-ulit kong sinuntok ang pinto sa galit na aking nadarama. Ngunit nangibabaw ang lungkot at humagulgol ako sa sahig ng banyo.

Pag-alis niya ay sinariwa kong muli kung paano niya ako pinaasa, anim na taon nang nakararaan. Tandang-tanda ko pa ang sarili ko na inaayos ang buhok ko sa salamin at namimili kung alin nga ba ang isusuot ko. Naglagay ako ng make-up para mapansin niya ako. Nagpabango na rin ako para maakit siya sa amoy ko. Saksi ang salamin sa pilit kong pagpapaganda sa aking sarili para lamang sa kanya.

Hiyang-hiya pa ako pagpasok ko sa party ng eskwelahan namin noong nasa kolehiyo pa lamang kami. Andun siya nakatayo sa gilid at walang kasama. Tinitigan ko siya na parang bituin sa kalangitan at nagulat ako nang mapatingin din siya sa akin. Hindi ko aakalain iyon. Na sa taba kong ito ay mapapansin niya ako mula sa kadulu-duluhang banda ng kwarto. Ngumiti siya na tila tuwang-tuwa at saka niya ako nilapitan.
“Andito ka na pala,” sabi niya.
“Sorry, natagalan. Nag-ayos pa kasi ako eh,” sabi ko sa kanya.
“Napansin ko nga. Ang ganda mo.”
“Bilog na nga ako, bobolahin mo pa ako.”
Natawa siya. Hindi ko inakalang magtatawanan kaming dalawa noong gabing iyon. Kumuha siya ng inumin at sabay kaming uminom.

Siya lang ang aking naging kasama noong gabing iyon. Magkasama kaming nagkwentuhan at nagbiruan. Hindi ako sigurado kung bakit hindi siya lumapit sa ibang babae. Ayaw ko namang isipin na may gusto siya sa akin at baka masaktan lang ako. Maya’t maya ay pinatugtog ang isang malumanay na kanta – iyong tipong kanta na sinasayaw sa prom. Tumingin siya sa akin at iniabot ang kanyang palad.
“May I have this dance with you?” tanong niya sa akin.
Nahihiya akong tanggapin ang alok niya, pero pakiramdam ko ay kinikilig din ako. Minsan lang akong pansinin ng mga lalaki dahil sa taba kong ito. At minsan lang din akong alukin ng sayaw ng isang lalaki. Kaya hindi ko na pinalampas ang pagkakataong ito.
“Uhm, sure,” sabi ko sa kanya nang hawakan ko ang kanyang kamay.

Pumunta kami sa gitna at sinayaw niya ako sa salin ng tugtugin. Hawak ko ang kanyang balikat habang siya nama’y nakahawak sa aking beywang. Isang hakbang pakanan, isang hakbang pakaliwa. Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko. Para bang ako’y natutuwa na ewan. Kinikilig ba talaga ako? Bakit ako sinasayawan ng lalaking ito? Eh hindi naman ako maganda at sobrang taba ko pa. May gusto ba talaga siya sa akin? Hindi ko alam. At nahihiya akong tanungin sa kanya.

Tinitigan niya ako sa mga mata. Unti-unting lumalapit ang mukha niya sa akin. Pumikit siya. Teka, hahalikan niya ba ako? Pero isa lang naman akong matabang panget na walang sinuman ang nagkakagusto. Teka, pinagtitinginan na ba kami ng mga tao? Ano ‘tong mga bulungan na naririnig ko?

Bumitaw ako sa kanya at humakbang paatras. Tumingin siya sa akin nang may pagtataka. Hindi ako makapaniwala sa binabalak niya; alam kong pinapaasa niya lang ako. Wala siyang gusto sa akin. Wala! Dahil isa lang akong matabang panget na walang nagmamahal. Alam kong hindi ako tanggap ng mga tao, kaya bakit niya pa ako lolokohin?
“Okay ka lang ba?” tanong niya.
“Wag mo na akong paasahin!” tumulo ang luha ko.
Narinig kong nagbubulungan ang mga tao tungkol sa amin. Ayaw ko nang mapahiya. Umalis na lang akong lumuluha. Ni hindi man lang niya ako sinundan at pinigilan.

Humarap ako sa salamin sa banyo noong gabing iyon at binura ang suot kong make-up na kumalat na dahil sa aking pagluha. Pinagmasdan ko sa salamin ang itsura ko; ang itsurang walang sinuman ang magkakagusto. Isang malaking patatas na ubod ng tigyawat. Pinagmasdan ko ang aking katawan na habang lumilipas ang mga minuto ay lalong tumataba na tila puputok na ang suot kong damit. Ayaw ko na. Ayaw ko nang tratuhin ako nang ganito. At simula noong araw na iyon, namatay na ang dating ako. Ang ako na hindi tanggap ng mga tao. Ang ako na hindi niya gusto.

Pero hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako! Naiinis talaga ako! Naiinis ako sa kanya! Naiinis ako sa sarili ko! Binago ko na nga ang sarili ko at pati ang hugis ng katawan ko para sa kanya pero wala pa rin! Hindi pa rin niya ako gusto! Ano pa ba ang kailangan kong gawin para magustuhan niya ako? Kulang pa rin ba ang ginagawa ko? Hindi na kami bata; pwede na nga niya akong kantutin kung gusto niya eh. Pero bakit? Bakit hindi niya ako gusto?! Wala palang kwenta itong pagbabago ko! Walang kwenta! Gusto kong i-untog ang sarili ko sa salamin! I-untog nang i-untog hanggang sa–…!!

. . .

Nagising ako at tumingala mula sa sahig ng banyo. Nawalan pala ako ng malay. Nabasag ko rin pala ang salamin na pinaghampasan ko ng ulo ko. May bakas ng dugo. Kinapa ko ang noo ko at napansing meron ngang sugat. Nang tumingin ulit ako sa basag na salaming may bahid ng dugo ko, nakita ko ang sarili ko. Nakita ko kung sino ako noong mataba pa ako, anim na taon nang nakalilipas. Walang leeg. Mas malaki pa ang tiyan sa dibdib. Mga hita na sintaba ng aking pwet. Ako nga ito. Hinubad ko na ang lahat ng damit ko, pati na rin ang pagkatao ko. Pero ako nga pa rin ito.

Ako pa rin ang bading na hindi niya gusto.

April 20, 2017


Featured image from CONCORDE.
More artwork by Johnny Negron here.

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s