Ikaw ang Gabi Niya

Sabi mo ayaw mo nang mabuhay,
Unti-unti ka nang nanghihina.
Ikama mo na lang ang iyong kasama,
Paligayahin mo ang araw niya.

Ayokong ipakita ang hiwaga,
Kung gusto mo’y subukan mo muna.
Hawakan mong maigi ang iyong sinta,
Mapaparam ito ‘pag wala ka na.

Gawin mo ang lahat para makuha
Ang pag-aari mo na nawala.
Tumigil kung matukso ng demonyo,
Saka ka bumalik sa piling ko.

Patulugin mo ang kalangitan,
Hintayin mo ang mga tala.
Hindi magkasundo ang iyong diwa,
Kapag naluluha,
Ugali mo’y nagbabago bigla.

Sinlakas ng isang baril ang iyong kamay,
At ang sakit mo na ngayong magsalita.
Gusto mo ba akong manatili sa piling mo?
Kasi napapansin kong gusto mo nang sumuko.

Ika’y giniginaw sa pagtulog,
Natatawa sa pagluha,
Habang ika’y nagsisisi
Sa iyong mga nagawa.

Ika’y nagsasaya sa putik,
Natutuwa ka sa pagtampisaw mo
Sa sarili mong dugo

Ika’y isang pambihirang baliw.
Alam kong ikaw giniginaw
Pero ramdam ko ang init mo.

Ika’y hindi mapakali
Kaya halika na,
Ano pang hinihintay mo?
Tayo’y magsasaya…

x

Siya ay kumikinang
‘Pagkat ikaw ang gabi niya
At palagi kang sumasayaw
Habang siya’y kumakanta

Gusto mo ba talaga akong manatili sa piling mo?
Kasi hindi ka na ang taong nakilala ko.
At hindi ko makakalimutan
Kung paano mo siya tinitigan
At palagi ko iyon napapansin
Pero wala kang pakialam

At alam kong siya na ang iyong mundo
Nagpahuli ka sa bitag niya
Mga binti niya’y nasa iyong leeg
At hawak mo ang buhok niya

Gusto mo pa ba akong manatili sa piling mo?
Kasi alam ko ay niloloko mo ako.

Advertisements

One thought on “Ikaw ang Gabi Niya

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s