Hanggang Ngayon

Hanggang ngayon,
Kinikilig pa rin ako.

Kinikilig pa rin ako
Kahit litrato mo lang
Ang makita ko
Sa tuwing gabi na
Ako lang mag-isa
Sa tahimik na silid
Na tanging
Ang bentilador lamang
Ang aking maririnig

Pero pakinggan mong mabuti
Kasabay ng huni
Na nakakabingi
Ang pagtibok
Ng puso kong
Ikaw lamang
Ang sinisigaw.

Hanggang ngayon,
Napapangiti mo pa rin ako.

Napapangiti mo pa rin ako
Sa tuwing naaalala ko
Ang itsura mo
Sa lahat ng ginawa natin
May kalokohan man
O wala
Walang ibang ngiti
Ang mas hihigit pa
Sa mga ngiti
Sa labi ko
Sa tuwing kasama kita.

Hanggang ngayon,
Ramdam ko pa rin
Ang lukso ng dugo
Na naramdaman ko
Noong unang beses pa lang
Kita nakita.

Hanggang ngayon,
Ramdam ko pa rin
Ang saya na aking nadama
Nang makita kitang
Naglalakad
Papunta sa akin
Magkatitigan
Na tila bumagal ang mundo
At wala akong ibang naaninag
Kundi ikaw
Ikaw na, hanggang ngayon,
Ay aking minamahal.

Hanggang ngayon,
Nabibighani pa rin ako
Sa ganda ng itsura mo;
Sa likod ng mga peklat
Na dala ng tigyawat mo;
Sa likod ng mga kulubot
Sa ilalim ng buhok mong
Napapanot

Hanggang ngayon,
Ikaw pa rin.

Hanggang ngayon,
Na kahit hindi na ako
Makarinig
Ay naririnig ko pa rin
Ang iyong pagbigkas ng
“Mahal kita.”

Hanggang ngayon,
Na kahit hindi na ako
Makapagsalita
Ay kaya ko pa ring
Bigkasin ang mga katagang
“Mahal na mahal kita.”

Hanggang ngayon,
Na kahit hindi na ako
Makakita
Ay naaaninag ko pa rin
Ang itsura mo, aking mahal
At hindi ako magsasawang
Sabihan ka na
“Mahal ko,
Ikaw ay isang diyosa.”

Hanggang ngayon,
Ikaw lang.

Hanggang sa kamatayan,
Tayo lang.

March 27, 2017


For Aerielle

Advertisements

One thought on “Hanggang Ngayon

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s