Nagkaroon ng Tayo

Buwan ng Pebrero, taon dalawang libo at labing pito
nagkaroon ng bagong kahulugan ang salitang tayo
Di lang pamilya, barkada, buong bansa, at kapwa
kundi sa wakas nagkaroon na rin ng tayong dalawa.

Mahal
Mahal ang tawag sa bagay na malaki ang halaga
Mahal
Mahal din ang tawag sa taong nagbigay sa’yo ng halaga
Mahal
Mamahalin kita hanggang kailan pa man
Mahal
Mahalaga ka sa akin. Napakahalaga

Hindi ko man mapapangako ang walang hanggan
Hindi ko din naman mapapangako ang magpakailanman
Tao lang naman kasi tayo
Buto’t balat at laman… Naagnas din
Ngunit patuloy na titibok ang puso para sa’yo kahit wala nang hangin

Binihag ang puso’t binigyang kahulugan
ang buhay nagkakulay nang di maintindihan
Pagpasensyahan kung medyo bulag ako sa kulay
pero itong kulay na lumitaw ay nakita ng puso ko
Kulay na sumisimbolo sa’yo
Kulay na dasal na sana’y di maglaho

Ito lang ang simula
at patawad kung medyo magulo ang tula
Pangako mas gagandahan ko ang mga susunod
nang mapuno ang mga libro ng mga liham ko sa’yo

Hindi man nila ako maintindihan ngayon
ayos lang
Makita ko lang na masaya ka sa piling ko
wala na akong pakialam

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s