French Fries

“Saan ka na po?” tanong niya sakin habang nag-aabang sa parating na tren papuntang Ayala. Bitbit ko ang binili kong French Fries sa McDo na mainit-init pa. Gusto raw niya kasi ng French Fries kaya dadalhan ko siya.
“Pasakay ako ng MRT. Text kita pag nakababa na ako,” reply ko sa kanya.
Papasok na ako sa tren na mas mainit pa sa French Fries kong dala nang magreply siya, “Okay po. Hintayin na lang kita. Ingat!”

“Saan ka na po?” tanong niya sakin habang nakapila sa terminal ng jeep papunta sa unibersidad na pinapasukan niya. Pinunasan ko muna ng panyo ang pawis ko dahil kasing-init na ng panahon ang dala kong French Fries.
“Pasakay na po ng jeep papuntang RCBC. Text kita pag nakababa na ako,” reply ko sa kanya.
Papasok na ako sa jeep na mas masikip pa sa suot kong brief nang magreply siya, “Okay po. Hintayin na lang kita. Ingat!”

“Saan ka na po?” tanong ko sa kanya nang makababa na ako sa harap mismo ng unibersidad nila. Sinusuri ang bawat mukha ng mga lumalabas sa malaking pinto ng kanilang paaralan at nagbabakasakaling mamataan ko siya.
“Nasa harap ako ng school niyo. Naka-blue akong uniform na may green na bag,” sinabi ko sa kanya para siya na lang ang maghanap sakin kung wala na siyang load. Hindi ko alam kung mamumukhaan namin ang isa’t isa. Unang beses pa lang kasi naming makikipagkita.

Hindi na mainit ang French Fries nang maaninag ko mula sa malayo ang isang maputing babaeng naglalakad papalapit sa akin. Mahaba ang kanyang buhok at nakasalamin din tulad ko. Tila bumagal ang oras at nagsisiliparan ang mga paru-paro sa paligid nang kawayan na niya ako.
“Uy, andyan ka na pala!” narinig ko ang tinig ng isang magandang diwata.
Ngumiti na lang ako at napatulala.

“Uy, may dala siyang McDo!” ngumiti siya nang makita niya ang dala kong supot ng McDo.
Alam kong malamig na ang dala kong French Fries. Pero parang naramdaman kong uminit itong muli nang mahawakan ko na ang kanyang kamay.

Advertisements

One thought on “French Fries

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s