Iyak

“Mama, bilhan mo ‘ko ng bagong manika. Gusto ko po ‘yung nagsasalita,” ani ng isang anak sa kanyang ina nang makita niya sa telebisyon ang commercial ng bagong manikang nakakapagsalita at umiiyak.
“Naku, anak, pasensya ka na. Hindi pa muna kita mabibilhan ng bagong manika. Wala pa tayong pera,” paliwanag ng ina sa kanyang anak.
Nalungkot ang anak sa kanyang narinig at saka ito nagtampo. Sa sobrang pagtatampo, nagdabog ito at tumakbo palabas ng bahay. Sinundan siya ng kanyang ina ngunit hindi na siya mahagilap sa labas.

Sinubukang hanapin ng ina ang kanyang anak sa buong lugar nila. Humingi siya ng tulong sa mga kapitbahay at pulis. Paulit-ulit ang kanyang pagsigaw sa pangalan ng kanyang anak, ngunit hindi pa rin siya nagpapakita sa kanya. Inabot na siya ng dilim ngunit wala pa ring balita tungkol sa nawawala niyang anak.

Habang siya ay pauwi na sa kanilang tahanan, nakarinig ang ina ng pag-iyak. Sinundan niya ito sa pag-asang makikita na niya ang kanyang anak. Mabilis siyang naglakad hanggang makarating siya sa isang tambakan ng basura kung saan nanggaling ang narinig niyang pag-iyak. Kinalkal niya ito at naluha sa kanyang nakita.

Isang sirang manikang umiiyak na katulad ng hinihiling ng kanyang anak.

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s