Malayo Pa, Tiisin Mo Muna

Ano kaya ang ginagawa ng mga tao
Kapag matagal pa ang biyahe nila?
‘Yung tipong ilang oras nang nakatirik ang sasakyan
At hindi na gumagalaw sa sobrang trapik sa kalsada?

Naiinip din ba sila tulad ko?
Napapansin ang bawat tibok ng panahon?
Kailangan ko na bang tumayo?
O manatili dito sa aking pwesto?

Ano ba ang meron sa ulan
At ang lahat ng sasakyan ay nagsisitigilan?
Wala naman sigurong nagbangaan
Yari na ang lahat kung meron man

Bakit pa kasi nagkasabay-sabay
Ang uwi ng lahat ng tao ‘pag gabi na?
Hindi lang tuloy sa kalsada may nagsisiksikan
Kundi pati na rin sa loob ng sasakyan

Katabi ko’y naghahalikan
May manyak na humihipo sa aking puwetan
Nakikipagtitigan na ako kay kuyang nakatayo
Basang-basa na ang balikat sa laway ng natutulog dito
Napakaingay ng tugtog nila sa radyo
Teka, baka lumagpas na pala ako!
Bakit lingon nang lingon sa’kin ‘yung bata?
Manong driver, bakit hindi ka bumubusina?!

Diyos ko, ano ang gagawin ko?
Giniginaw na ako sa lakas ng buga ng aircon
Wala pa naman akong dalang jacket ngayon
Bilisan niyo na ang biyahe, pakiusap

Hindi ko na kaya

Wala akong dalang tissue
Ako’y natate na
Makakababa pa ba ako?
Mukhang hindi na


Featured image by sjperegrin

Advertisements

2 thoughts on “Malayo Pa, Tiisin Mo Muna

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s