Pero

Madami akong gusto
At lahat ng iyon ay hinahanap ko
Sa lalaking makakatuluyan ko

Mahilig ako sa ganito
Mahilig ako sa ganyan
At lahat ng iyon ay nakikita ko sa’yo

Pero may topak ‘tong utak ko
At hindi mo ako maiintindihan
Na sa dinami-rami pa ng tao sa mundo
Sa iyo pa ako hindi magkakagusto

Gusto ko sa mga taong mahilig sa indie art
Indie films
Indie songs
Indie paintings
Gusto ko sa mga gusto mo
Pero hindi kita gusto

Gusto ko sa mga taong may prinsipyo
Matino
Matalino
Mabait
At may pangarap sa buhay
Gusto ko sa mga katulad mo
Oo, pero hindi sa’yo

Ikaw ‘yung tipong marunong manligaw
At karapat-dapat na sabihan ng “Oo.”
Pero hindi ko alam kung ano ang meron sa’yo
At kaya ko nasabi ang “Ayoko.”

Hindi ko alam kung torpe ka
O pakipot lang talaga ako
Madami akong gusto sa’yo
Pero wala akong gusto sa’yo

Siguro hindi ikaw ang hinahanap ko
Kundi ang taon katulad ko
Teka, sino nga ba ako?
Hahanapin ko muna ang sarili ko

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s