Ginisang Ampalaya

Magandang araw sa inyong lahat!
Ngayon, magluluto tayo ng isang Ginisang Ampalaya.
Tiyak na magugustuhan ito ng mga kabataan ngayon lalong-lalo na iyong mga mahihilig sa matatamis na kalokohan na pinagsasasabi sa kanila.

Ihanda natin ang mga sangkap.
– 2 magkaibigan na akala mo’y magsyota, nagmamalinis at may hiwa sa galang-galangan
– 1 malaking kutsarang pag-asa, nagmamakaawa
– ½ maliit na kutsarang paminta na pilit inaagaw ang lalaki mong sinta
– 2 malaking kutsara ng pokpok na lumalandi sa kanya
– 2 hilaw na itlog na nakabalot sa sako
– 18 taon ng buhay na magpag-isa
– 1 malaking kamatis na nangangamatis, hiniwa
– 1 malaking sibuyas na mamasa-masa, hiniwa
– 3 malaking kutsara ng mantika, pampadulas ng dila

Sundin nang mabuti ang paraan ng pagluto.
1. Ilagay ang magkaibigan sa mundong makasalanan.
2. Haluan ng pokpok upang paligayahin ang buhay nilang mapag-isa. Hayaang kumulo ang dugo sa loob ng 5 minuto.
3. Ilagay ang magkaibigan sa kama at pigain hanggang sa lumabas ang lahat ng maaaring ipiga sa kanila.
4. Painitin ang sikmura. Madulas sa pananalita.
5. Igisa ang pag-asa, kamatis, at sibuyas.
6. Ipagsama ang magkaibigan, hayaang malibugan.
7. Ihalo ang paminta at pokpok na panira.
8. Batihin ang itlog at ibuhos sa mukha ng magsyota.
9. Ihalo ang lahat hanggang magkaroon ng himala.
10. Ikasal nang maaga. Maghiwalay. Umiyak.

Ayan, tapos na ang ating Ginisang Ampalaya!
Huwag kalimutang ipatikim ito sa iba para malaman nila kung gaano kapait ang sinapit ng puso mong wasak na at ng kaluban mong warak na.


Featured image from Jelly Belly Kitchen

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s