Limandaang Litrato Mo

Andito nanaman ako,
Pinagmamasdan ang mga litrato mong
Nakatago sa kwarto ko

Matagal ko nang sinabing
Hindi na kita mahal
Pero bakit may nararamdaman ako?
Tila ba may hiwagang bumabalot
Sa mga mata mong kahali-halina,
Sa buhok mong kayganda,
Sa labi mong kaypula
Sa mukha mong pagmamay-ari ng isang diyosa

Wari ba ako’y naluluha
Sa tuwing pinagmamasdan ko
Ang limandaang litrato mo
Iniisip ko kung bakit
Sa dinami-dami ng lalaking
Nagkakagusto sa’yo,
Wala kang napiling
Ni isa sa kanila
Para pagkaabalahan ng oras mo

Bakit sa lahat ng rosas
Na nakapalibot sa daigdig na ito,
Ikaw ang siyang may pinakamaraming tinik
Sa kabila ng balat mong napakakinis?

Pag nakita ba kitang muli,
Mahahagkan mo ba ako
Tulad ng pagyakap ko sa aking unan
Kaharap ang mga litrato mong
Naiwan nang ika’y mawala

Hindi ka na makita
Hindi ka na makausap
Kailan kaya ulit?
Hindi ko na mapuna

At kung makita man kita,
Maninibago kaya ako
Sa itsura mong naaalala ko lang
Sa tuwing pinagmamasdan ko
Ang limandaang litrato mong
Nakatago sa kwarto ko
Nakatago mula sa asawa ko?

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s