Libing

Teka lang
Nawawala nanaman ako
Pero naaalala kita

Sabi ko
Huwag ka nang bumalik
Sa isipan ko
Sa puso ko
Pero sana
Sinabihan mo rin ako

Wala na nga
Pumanaw na
Natabunan na ng lupa
Pero wala akong magawa
Naaalala nanaman kita

Iniisip ko
Paano kung madiligan
Ng ulan ang libingan,
Tutubo na ba ang mga bulaklak?
May tutubo nga bang mga bulaklak?
Wala…?

Halikan mo ako
Pero bibitaw na ako
Nabibigatan na ako
Ito na ang huling buga
Sa yosing ubos na
Umiiyak
Sa biglang pagkawala

Tanga
Napakatanga
Iniwan mo na nga ako
Pero bakit
Nandito ka pa?

Nakaukit sa bato
Ang pangalan mo
Inalay ko pa sa iyo
Ang bulaklak ko

Huhuni ang tugtog
Na ating inaawit
Hihiga sa lupa
Sasayaw sa tala

Sa ulap
Doon ka
Muling mabubuhay
Pero uulan
At ang hangin
Ay sinlamig ng puso mo

Huhukayin
Hahalukayin
Pilit kitang yayakapin
Mangamoy ka man
Maagnas ka man

Dahil ikaw
Ang tanging bangkay
Na mamahalin ko

Teka lang
Nababaliw na ako
Ikaw pa nga ba
Ang naaalala ko?

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s