Sex Tayo

“Tara, sex tayo,” bulong niya sa’kin habang magkatabi kaming kumakain sa karinderya kaninang tanghali.
“Ha?” laking gulat ko. “Sira ka ba?” tanong ko sa kanya.
“Seryoso ako,” sagot niya. “Tapos naman na klase natin, ‘di ba?”
Ayokong sumakay sa trip niya, seryoso man siya o hindi. Basta ayaw kong makipagsex sa kanya.
“Tang ina, sira ka talaga,” sinabi ko sa kanya. “Tanghaling tapat, gusto mo ng sex? Gaguhan lang?”
“Sige na,” pilit niya. “Ako nang bahala. Sumama ka lang.”
Nagdadalawang-isip ako sa sinabi niya. Sasama ba ako at magpapakaputa o tatanggihan ko para pagjakulan na lang ako mamaya?
“Ngayon na talaga?” tanong ko sa kanya.
“Oo, ako na nga ang bahala,” diretso ang tingin niya sa aking mga mata.
Ayaw ko naman siyang tanggihan at baka sabihin nanaman niya sa aking wala akong kwentang kaibigan.
“O, sige,” pumayag na ako. “Basta ihatid mo ako mamaya pag-uwi ha.”
“Oo naman!” hinawakan niya ang kamay ko. “Saglit lang naman tayo eh.”

Dumaan muna kami sa isang convenience store para bumili ng “baon” namin. May bitbit siyang mga sitsirya at softdrinks nang pumila siya sa counter. Napatingin siya sa mga bagay na binebenta sa tabi ng counter.
“Boss, magkano ‘yang chewing gum niyo?” tanong niya sa cashier.
“50 lang po,” sagot sa kanya. “Kuha po kayo?”
“Oo, ‘yung mint flavor para malamig sa bunganga.”
Hindi ko napansin kung anong brand ng chewing gum ang binili niya. Pero nabuntong hininga ako nang malaman kong malamig daw iyon sa bunganga.

Sumakay kami ng taxi papunta sa lugar kung saan kami makikipagsex. Magkatabi kami sa likod at mukhang kalmado lang naman siya. Hindi ko alam kung iniisip na ba niya kung ano ang gagawin namin mamaya o kung may bago siyang nadiskubreng paraan na gagawin niya sa akin. Ewan. Nag-aalala lang ako. Hinawakan ko na lang ang kanyang kamay, baka sakaling hindi pala siya kalmado.

Bumaba kami sa Luneta at pinabitbit niya sa akin ang mga pinamili niya. Naglakad-lakad kami upang makahanap ng pagpupwestuhan.
“Doon tayo,” may itinuro siyang lugar. “Kaunti lang tao dun.”
Sinundan ko lang siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa sinabi niyang lugar. Bigla niyang hinubad ang kanyang uniporme at nahiga sa damuhan. Ako naman ‘tong tanga, hindi ko alam kung ano ang sunod na gagawin. Kaya dumapa na lang ako sa tabi niya at hinaplos ang katawan niya.
“Ilabas mo ‘yung chewing gum na binili ko kanina,” sabi niya sa’kin.
Hinanap ko kaagad sa plastic bag ang tinutukoy niyang chewing gum, pero hindi ko iyon nakita.
“Wala namang chewing gum dito,” sabi ko sa kanya.
“Doublemint ‘yung tatak,” bigla niyang sinabi. “Nandiyan siguro sa ilalim.”
Tang ina, Doublemint? Akala ko pa naman kung anong chewing gum tinutukoy niya. Langya. Kinuha ko na lang ‘yung letseng chewing gum na iyan at ibinigay sa kanya.
“Kuha ka,” iniabot niya sa’kin ‘yung lalagyan ng chewing gum matapos siyang kumuha ng isang piraso nito.
“Akala ko ba magsesex tayo?” tanong ko sa kanya.
“Oo nga,” sagot niya bigla. “This is sex. Aren’t you enjoying it?”
Sira ulo. May sayad pala ‘tong lalaking ‘to eh. Akala ko pa naman kung ano na ang gagawin niya sa’kin.
“You see,” pinagpatuloy niya. “Sex, for me, is not about those fucking shit that our friends do everyday in motel rooms. Hindi tayo ganun. All I want to feel right now is this happiness that I’m having with you at this very moment. Masaya ako ngayon kasi kasama kita dito sa isang napakatahimik na lugar sa ilalim ng mga ulap. Ito ang kalibugan ko. Hindi ka ba natutuwa?”
Muntik ko na siyang batukan pero napaisip din ako sa sinabi niya. Humiga na lang din ako sa tabi niya at pinagmasdan ang mga ulap sa kalangitan.
“Gago ka rin, ano?” asar ko sa kanya.
“Ginusto mo ‘yan eh.”
Pinikit ko ang aking mga mata at dinama ang paghaplos ng hangin sa katawan ko.
“Tang ina, ang sarap,” natawa ako. “Gusto ko pa.”
“Bukas ulit?”
“Sige ba.”


Like our Facebook page for more!

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s