Nagmahal Ako ng Puta

Sa dami ng pagpipilian mo,
Ako pa ang nakita mo
Ako na katulad mo lang naman din
Namimili ng taong lolokohin

“Sino ba ang bago mo?”
Tanong palagi sa iyo
Akong nagbibingi-bingihang katabi mo
Tanggap ko na agad kung ano ako sa’yo

Ako na ba ang susunod
Diyan sa listahan mo?
Listahan ng mga katawang
Minsan mo nang natikman
Listahan ng mga pusong
Minsan mo nang winasak
Listahan ng kalalakihang
Minsan mo nang sinaktan
Listahan ng mga pag-asang
Minsan mo nang binalewala

Sa puti ba naman ng iyong balat.
Sinong hindi makapapansin sa iyo?
Silang nais lang ay ika’y mayakap
Sa tuwing gabi ay ika’y laging hinahanap

Sa pula ba naman ng labi mo,
Sinong hindi makikipag-usap sa’yo?
Silang nais lang ay ika’y mahalikan
Silang palagi ka namang iniiwan

Sa ganda ba naman ng katawan mo,
Sinong hindi hahawak sa’yo?
Silang nais lang ay ika’y magalaw
Silang nabubulok na sa mundong ibabaw

Sa tuwing nakikita kitang masaya,
Hindi ko maiwasang tumingin sa’yong kasama
Hindi pa ba sapat ang aking ipinapakita
At naghahanap ka pa ng bago sa iba?

Dapat ba kitang pagselosan,
Kung wala naman akong sapat na dahilan?
Dapat ko bang seryosohin ang lahat,
Kung para sa iyo ay isa lang ‘tong biruan?

Ilang yakap pa ba ang hindi ko madarama?
Ilang halik pa ba ang ipagpapaliban muna?
Hindi ko matanggap kung ba’t ‘di mo sa’kin magawa
Ang mga bagay na malaya mong nagagawa sa iba

Ngayong ako lang ang nais mong makasama
Nalilito pa rin sa aking nadarama
Kailan ba matatapos ang paggamit mo sa akin?
Hanggang kailan mo pa ba ako lolokohin?


Featured image from Caravan Palace

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s