Lampara Dahil Lampa Ka Pa

Minsan, ‘di natin maintindihan kung saan tumatakbo ang isip ng kabataan.
Minsa’y hindi mawari kung ano ang kagustuhan.
Minsan ay may dinadaing at nais ipaglaban.
Madalas sumusuway nalang sa kagustuhan ng magulang,
Masunod lamang mga layaw nang ‘di pinag-isipan.

Mahigit ilang taon ka ring hinele ng iyong ina.
Ilang ulit ka na ring sumusunod sa payo ni ama.
Siguro’y iniisip mong pagkakataon na ngayon para ikaw naman ang manguna.
Sa paulit ulit na pangaral sayo simula noong ika’y bata pa.

Ngunit anong panama mo kung hindi mo pa alam ito?
Paano kung hindi mo pa gamay ang mga payo sa iyo?
Paano ka makikipagsabayan sa gulo ng mundo?
Kung gulo nga ng isip mo ay hindi mo masugpo.

Kaya kung ako sayo kapatid mag-isip ka muna.
Magnilay sa lahat-lahat ng iyong ginagawa.
Baguhin ang mali hangga’t maaga pa.
Tandaan mong lahat ng pangaral sa iyo ay madalas tama,
Dahil walang pinayo ang magulang na iyong ikasasama.

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s