Biyahe

Ako ang taga-maneho
Ikaw ang motorsiklo
Dalhin mo ako sa iyong gusto
Ako ang magdidikta sayo

Sa bawat pihit ko ng silinyador
Kasabay nito’y iyong pagtakbo
Sa bawat kabig ko ng preno
Kalakip nito’y iyong paghinto

Halika’t tahakin ang mahabang daan
Patuloy na tumakbo kahit maputikan
Hayaan mo, pagtapos nito’y ika’y lilinisan
Aaliwalas muli ang iyong mukhang nadungisan

Halika’t tahakin ang mahabang daan
Bako o malubak man ang ating daanan
Aayusin kita kahit ika’y masiraan
Ibabalik sa dati ang iyong kagandahan

Halika’t tahakin ang mahabang daan
Lahat ng sakuna ay ating labanan
Lahat ng nakaharang ay ating iwasan
Tatapusin natin ang mahabang daan

Tatapusin na natin ang mahabang daan
Ang ating bilis ay ‘di ko namalayan
Ang iyong silinyador ay hindi ko nabitawan
Preno’y di umubra, ito na ang huli nating hantungan

Natahak na natin ang mahabang daan
Narating din natin ang ating paroroonan
Sabay nating sinalubong ang katapusan
Sabay tayong humantong sa ating kamatayan, Paalam!

 

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s