Hawla

Gusto kong kumawala sa sarili kong hawla at magtungo sa hawla mo
Nais kong malaman ang nilalaman ng rehas na nakapalibot sayo
Mapayapa ba? Maaliwalas? Mabango? O sadyang bulok at napakagulo?
Maaari ko bang matanto ang pinakatatago-tago mo?

Sabi nila’y maganda ang hawlang iyong pinagmamalaki
Sabi ko nama’y, “Siguro nga sapagkat lagi kang nakangiti”
Ngunit sa kabila pala ng ngiti na iyon ay nag-uumapaw ang pighati
Labag pala sa kalooban mong pasukin ang hawlang kayganda ngunit madumi

Isang araw ay sumiklab na ang alab ng iyong puso’t isipan
Galit, poot, pandidiri at sakit ay hindi mo na matakpan
Ayaw mo nang manirahan sa hawlang may kasamang parehas ang kasarian
Kaya nama’y dali-dali mong pinagaspas ang iyong papak ng ito’y sandaling binuksan

Ngayo’y nakakalipad ka na nang matiwasay at malaya
Ako naman itong kumukuha ng pagkakataong makawala
Sa hawla kong puro kasinungalingan at sadyang ‘di na nakakatuwa
Hintayin mo ako sa himpapawid at doon tayo magkita

Nang nagkaroon ako ng pagkakataong ipagaspas ang aking pakpak
‘Di ko pinakawalan ang pagkakataon at ako’y tuluyang lumipad
Tumungo ako sa kinaroroonan mo nang nais ituloy ang balak
Papasukin ko na ang hawla mo na punong-puno ng galak

Mayroon nga pala akong dala para sa iyo
Isang regalo na talaga namang magugustuhan mo
Hindi ba’t noong mga bata pa tayo ay ito na ang gusto mo?
Kung ‘di ka lang ibinenta ng mga magulang mo ay matagal nang nasa iyo ito

Dala ko’y saya at tanggapin mo nang buo
Buksan mo nang maluwag ang hawla mo’t humanda sa susunod na yugto
Magiging buo na ang tinapakan at dinurog mong puso
Ibibigay ko na sayo ang inaasam-asam mong matamis kong “Oo!”

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s