Walang Tula

Wala akong tulang isusulat para sa’yo
Hindi dahil sa ayaw kita
Wala lang akong maisip na salita
Na babagay sa iyo at sa kung sino ka

Kung mamahalin kita,
Hindi ko magagawa
Ang sulatan ka ng isang tula

Dahil walang tula
Ang makakapantay
Sa angkin mong talino
At ganda mong taglay

Kung susulatan man kita
Huwag kang mahuhulog sa mga salita
Dahil hindi naman iyan ang magiging basehan
Ng aking mga magagawa

Kung makakapagsulat nga ako
Papansinin mo na ba ako?
Kung hindi pa sapat ang tulang ito,
Paano pa kaya ang sunod na gagawin ko?

Kung mayroon na akong tula para sa’yo
At tinanong mo pa kung para kanino ito,
Matutuwa ka ba ‘pag nalaman mong sa’yo?
Iiyak na ba ako kapag hindi mo ito gusto?

Ilang tula kaya ang kailangan kong isulat
Para magustuhan mo ako?
Magkakaroon ka rin ba ng pagtingin sa akin?
Wala atang tulang makakapagsabi nito

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s