Ako’y Babalik

Ako’y babalik sa alaala ng kahapon
Sa oras na sabay tayong nangarap
Sa gitna ng damuhan at ilalim ng alapaap

Ako’y babalik sa alaala ng kahapon
Sa oras na tayo’y magkayakap
Bago ka sumuko at bumitaw

Ako’y babalik sa alaala ng kahapon
Sa oras na lumamig na ang sikat ng araw
At ika’y hindi na matanaw

Ako’y umasa na ika’y babalik
At muling matitikman ang tamis ng iyong halik
Ngunit sa pagbalik ko sa alaala ng kahapon
Wala ng bakas ng ikaw
Kundi ako na lang

Ako na lang na nangangarap
Sa gitna ng damuhan at ilalim ng alapaap
Ako na lang na nagiisa at walang makapitan
Ako na lang na ngangapa sa kadiliman
Na umaasang muli kang mahahagkan.

 

Advertisements