Ikaw ay Isang Pokémon

Isipin mo na ikaw ay isa sa tatlong starter Pokémon sa laro. Meron kang sarili mong features. Pwede kang maging mas magaling sa isa. Pwede kang maging mas mahina sa isa. At wala kang magagawa tungkol dito dahil pareho kang magaling at hindi.

Sa simula, may darating na isang taong mamimili sa inyong tatlo. Pipiliin niya kung alin ang nararapat sa kanya na samahan siya sa simula ng kanyang buhay bilang isang malayang tao. Siyempre, hindi magiging masaya ang Pokémon, kung wala kang sariling Pokémon.

Pag-iisipan niya kung sino ang isasama niya. Pwedeng ikaw. Pwedeng hindi. Sabihin na natin na ikaw ang pinili niya sa pagkakataong iyon. Ikaw ang pinili niya noong panahong iyon dahil nakita niya sa iyo kung ano ang maaari niyang marating kapag ikaw ang sinama niya. Mahina ka man sa paningin ng iba, naniniwala naman siya sa kakayahan mo.

Kaso hindi naman sapat na ikaw lang ang kasama niya. Maghahanap pa siya ng iba pang mga kasama. Pero hindi niya iyon ginagawa dahil ayaw na niya sayo. May mga bagay kasi na kaya nilang gawin na hindi mo kaya. At pag dumating na ang punto sa buhay niya kung saan kailangan niyang harapin ang pinakamalaking problema sa buhay niya, kayo-kayo ang magtutulungan na matalo ang problemang iyon.

Karamihan sa mga naglalaro ng Pokémon, pinapalakas ang unang Pokémon na nakuha nila. At kung ikaw ang palagi niyang nilalapitan sa tuwing may problema siya, ikaw ang Pokemon na pinapalakas niya. Kaya ka niya pinapalakas ay dahil ikaw ang inaasahan niyang poprotekta sa kanya.

Matuwa ka sa tuwing nananalo siya dahil natutuwa rin siya dahil hindi mo siya hinayaang matalo. Iyon ang silbi mo bilang Pokémon niya: ang hindi siya hayaang matalo. At iyon din ang silbi mo bilang kaibigan niya: ang hindi siya hayaang kainin ng lungkot.

At kung hindi man ikaw ang piliin niya sa una at hindi pa siya nagsasawa sa Pokémon, sa susunod na adventure niya, ikaw na ang pipiliin niya.

 

Advertisements

One thought on “Ikaw ay Isang Pokémon

  1. Iyon ang silbi mo bilang Pokémon niya: ang hindi siya hayaang matalo. At iyon din ang silbi mo bilang kaibigan niya: ang hindi siya hayaang kainin ng lungkot.

    At kung hindi man ikaw ang piliin niya sa una at hindi pa siya nagsasawa sa Pokémon, sa susunod na adventure niya, ikaw na ang pipiliin niya.

    —— Gusto ko to!! 🙂

    Like

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s