Giniginaw

Yakap ko na nga ikaw
Pero bakit ako ay giniginaw?

Hindi naman mahangin
Pero bakit ako ay tinatangay palayo?

Hindi naman mataas ang baha
Pero bakit ako ay nalulunod sa luha?

Hawak ko naman ang iyong kamay
Pero bakit parang wala na akong makapitan?

Yakapin mo man ako nang mahigpit
Hindi ko pa rin ramdam ang iyong init

Namumuti na ang labi ko
Sa kaiisip ng sasabihin sa’yo

Sino ba ako para iyong sandalan
Sa tuwing ika’y nasasaktan?

Ramdam ko ang paghawak mo sa aking kamay
Pero sa laro mo, huwag mo akong idamay

Giniginaw na ako sa kahihintay
Ano nga ba ang papel ko sa iyong buhay?

Saka mo lang ba ako naaalala
Kapag maulan at giniginaw ka?

Giniginaw ako sa init mo
Napapaso ako sa sobrang lamig mo

Humahampas sa mukha ko ang lakas ng hangin dito
Gayundin ang pagsampal sa’kin ng katotohanan na hindi tayo

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s