Tatlong Linggo

Iyak na lamang ang isasagot,
Sa masalimuot na pangyayari.
Luha na lamang ang iaalay,
Dahil tuluyan ka nang nawalay.

Nagsimula ang istorya sa “hi”,
At nagtapos sa salitang “bye”.
Hangad lamang na hawakan ang ‘yong kamay,
At hagkan ka sa tuwing ako’y nalulumbay.

Tatlong linggong saya at tuwa,
Tatlong linggong iyak at luha,
Tatlong linggong pagmamahalan,
Talong linggong ‘di ko malilimutan.

Masakit man ang aking pamamaalam,
Dahil sa nangyari na wala akong alam.
Masakit man na ika’y iwanan,
Ito’y dapat upang di masaktan.

Haharapin ang buhay na wala ka,
Haharapin ang buhay na ‘di ka kasama,
Haharapin ang buhay na may luha sa mga mata,
Haharapin ang buhay na hindi malaya.

Wala man na tayo, ‘di ako bibitiw,
Dahil mahal parin kita aking giliw.
Pahihilumin ang sariwang sugat,
Upang handa na ako sa lahat.

Advertisements

One thought on “Tatlong Linggo

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s