Naliligaw

Matagal na kitang gusto
Pero ayaw kong ma-in love sa’yo
Dahil kaibigan lang ang dapat
Na ituring ko sa’yo

Gusto man kitang yakapin
Hindi ko dapat ito damdamin
Gusto man kitang halikan
Hindi dapat kita basta-bastang titikman

Ayaw kong maging katulad nila
Na basta ka na lang sasaktan bigla
Na basta ka na lang iiwan mag-isa
Na basta ka na lang ipagpapalit sa iba

Ayaw kong masaktan ka
Habang ika’y nag-iisa
Dahil alam kong walang aalalay sa’yo
Kung kailan ako ang dapat na kailangan mo

Sabihin mo lang sa akin
Kung hindi mo na sila kaya
Ipapangako ko sa’yo
Na hindi ako tutulad sa kanila

Pero huwag kang mahihiya
Na kausapin ako
Kaibigan mo pa rin ako
Na laging nandiyan para sa iyo

Kaya isama mo naman ako
Sa mga pinapangarap mo
Hindi lang sa mga lugar
Kung saan dinadala mo ako

Ikaw man ay sawi
Sa pag-ibig na inaasam
Hindi naman naubos
Ang pagmamahal ko sa’yo

Kuntento na ba ako
Sa ikaw at ako?
O gusto mo ba
Na maging tayo?

Huwag kang mag-alala,
Liligawan din kita
Hayaan mo muna akong maging masaya
Sa tuwing ako lang ang gusto mong makasama


Featured image by cutetep

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s