Hindi Ako Makatulog

Hindi ako makatulog.

Ano? Ganito nanaman ba? Magpupuyat nanaman ba ako sa kaiisip ko sa’yo? Mukhang gising ka pa naman, pero hanggang ngayon ay wala kang kibo. Ni hindi mo naman ata kasi pinapansin ang mga sinasabi ko. Para akong tangang naghihintay sa sagot mo. Bawal na nga ang videoke sa gabi, pero kumakanta pa ako. Kailan mo ako hahagkan? Matagal na akong nahihintay. Nakadungaw sa bintana. Mga dahon lang ang kumakaway.

Buti pa ang dahon, marunong kumaway. Ni hindi ka nga makatingin sa akin sa tuwing tinatawag kita.

Hindi naman ako uminom ng kape kanina, pero bakit kinakabahan ako? Nilason mo ata ng kape ang isipan ko para manatili akong gising kaiisip sa iyo.

Ilang sleeping pills pa kaya ang kailangan kong inumin para lang makatulog na ako?
Ilang bote pa kaya ng alak ang kailangan kong laklakin para lang tumumba na at makatulog nang lasing?
Kailan ba bababa ang laman ng tiyan ko para hindi mo ako bangungutin sa pagtulog ko?

Wala na akong maintindihan. Oo, gusto kita. Pero gusto mo rin ba ako? Gusto kong matulog ngayong gabi nang nalalaman ang sagot sa tanong ko.

Tama na nga, gusto ko nang antukin.

Kahapon pa ako gising.

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s