Kababata

Ang sabi noon sa akin nung ako ay nagpahula doon sa Quiapo
“Mayroong magmamahal sa iyo hanggang sa pagtanda mo.”
Ako naman itong medyo nahihiya kasi
Nasa labas lang siya naghihintay
At nakatingala sa kalangitan

Hindi naman ako sanay na makinig
Sa mga sinasabi ng matatanda
“Bakit ka pa gumagastos sa ganyan?”
Ang sabi ng kasama ko

Huwag mo nga akong titigan nang ganyan
Nagbabaka-sakali lang naman ako
Kapag bago ka pa lang sa buhay pag-ibig
Lahat na lang ay susubukan mo

“Hindi ka natutong makinig
Para ka pa ring isang bata.”
Hindi na ako magdadalawang-isip
Sasagutin na nga kita

Kung may isa akong bagay na natutunan noong ika’y kasama
Iyon ay ang palagi akong masaya sa tuwing kasama kita
Sa bawat araw na kasama ka
Iniipon ko ang mga ala-ala
Para ikaw ay ‘di ko makalimutan pa

Noong bata pa tayo at umiiyak ako
‘Di mo ‘ko iniwang mag-isa
Nung nawala ka, hinanap pa kita
At nag-alala pa ako sa’yo

“Ingat ka pauwi sa inyo”
Katagang sapat na para pakiligin ako
Mula noon nagtaka na ako
Bakit ganun ka mag-alala?

Hindi mapakali sa kai-isip sa iyo
Dahil nahulog na ako
Hinihiling ko noon na sana ay mahal mo rin ako
Ikaw na laging nandyan
Sa tuwing ako’y namomroblema
Sana ay umabot sa’yo
Ang aking nadarama

Lumipas ang maraming taon
‘Di na tayo muling nagkita
Ano na kaya ang itsura mo sa ngayong tumanda na?

Madami na ang nagbago
Pati ba kaya ang pag-uugali mo?
Ang hirap tumanda nang hindi magkasama
Umaasa na muling magkita

Ako ay bumalik sa ating bayan
Kung saan tayo’y lumaking magkasama
At doon kita nakita na hinihintay mo pala ako
“Kanino ka naman nahulog ngayon?”
Tanong mo sa’kin noong hawakan mo ang aking kamay
Ako ay kinabahan

“Sa iyo lamang.”

Mukha mo’y namula
‘Di ka makapaniwala
Sa inamin ko sa’yo
Hindi na ‘ko nahihiya
Dahil sa’yo ay sigurado na ‘ko

Sa tagal ng panahon na ‘di tayo nagkita
Ay niyakap mo na lang ako
At sinabi mo,
“Ang tagal kong hinintay iyan sa’yo.”

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s