Tula ng Isang Tanga

Umuulan nang malakas ngayon
Pumapatak, sa aming bubong
At kasabay ng ulan na ito
Ay ang pagbuhos ng mga alaala ko
Mga alaala, na lahat tungkol sayo

Naaalala mo rin kaya ako?
Naiisip pagpikit ng mga mata mo?
Alam mo bang iniisip kita?
Na hanggang ngayon iniisip kita?
Iniisip, at iniibig kita

Iniibig kita
Buong pusong iniibig kita
Sa kabila ng lahat ng sakit at luha
Iniibig pa rin kita
At patuloy pa rin akong umaasa

Umaasa ako
Na isang araw pagdilat ng mga mata mo
Baka ako naman ang hanapin mo
Umaasa ako
Kahit matagal na akong talo

Natalo ako nang siya ang piliin mo
Natalo ako nang siya ang inibig mo
Natalo ako, at alam ito ng puso ko
Pero ewan ko ba sa pusong ito
Bakit di pa rin sya sumusuko

Hindi pa rin ako sumusuko
Masakit man at mahirap ito
Hindi ako susuko, lalaban ako
Maghihintay ako
Maghihintay pa rin ako

Maghihintay ako
Kahit gaano katagal, para sayo
Sabi nila tanga ako
Pero dahil ikaw ang minamahal ko
Magpapakatanga ako, magpapakatanga sayo

July 10, 2015


Nagustuhan mo ba?
Read more at drosiatisthalassas.wordpress.com

Advertisements

One thought on “Tula ng Isang Tanga

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s