Gising ka na ba?
Pero ba’t parang tulog ka pa?
Hindi ka man lang sumasagot
Sa mga mensahe ko

“Magandang umaga!”
“Mahal ko, kumain ka na ba?”
Ako kaya ay nag-aalala
Ako ba ay iyong naaalala?

Nabubulag-bulagan ka ba?
Nagbibingi-bingihan ka ba?
Kung hindi, bakit hindi mo ako pinapansin?

Sino nga ba ako sa’yo?
Ako nga ba’y iniibig mo,
O isa nanamang gago?

Minsan iniisip ko
Kung natutuwa ka ba
Habang kausap mo ako

Sa bawat  🙂 mo,
Iniisip ko kung napapangiti ba talaga kita
Sa mga sinasabi ko.

Sa bawat haha mo,
Iniisip ko kung natatawa ka ba talaga
Sa mga kinekwento ko.

Sinusubukan kong hindi maubusan
Ng mga bagay na pag-uusapan
Sa tuwing magkasama tayong dalawa

Pero bakit kapag kausap na kita,
Wala na akong masabi na iba?

Napakaikli lang ng panahon ko sa’yo
Pero bakit parang ilang taon na
Ang sinayang ko sa’yo?

Ilang dekada ko na bang
Hinihintay ang sagot mo?

Wala na akong ibang sasabihin;
Hindi mo rin naman kasi ako papansinin.

Kung hindi ka pa rin iimik,
Ako na rin ay mananahimik.

 

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s