Tayo Na Lang Ulit

Pwede ba tayong magkunwari
Na parang unang beses pa lang
Tayong nagkikita?

Oh, ano kaya’ng magiging reaksyon mo
‘Pag nakita mo na ako
Teka lang,
Magpapakilala ulit ako

“Kumusta?
Ako nga pala’ng sinayang mo.
Sa tagal ng panahon,
Baka nagbago na ang isip mo?”

“Pinapatawad na kita.
Alam mo naman na mahal na mahal kita.
Kung hindi mo natatandaan,
Naging tayo noon.
Pwede pa ba maging tayo ngayon?”

Pwede bang muling simulan
Ang hindi na natin mabalikan?
Sige na ako’y pagbigyan
Ililibre ko ang iyong mga kaibigan

Sige na, baby
Wag ka nang magalit sa’kin
Alam ko naman kung ano ang mali
Kaya ang paghihiwalay nati’y ‘di maaari

“Kumusta?
Sana ako pa rin ang nasa puso mo.
Sa tagal ng panahon
Sana ako pa rin ang iyong gusto.”

“Pasensya ka na kung ako ay masyado nang makulit
Gusto ko lang na ikaw at ako’y magkasamang muli
Sana tayo na lang ulit”

Pakisabihan ang mga kaibigan mo
Na babalik na ako para sa iyo
Dala ko ang paborito mo
Ako’y nakatayo na sa harap ng bahay mo

Papasukin mo akong muli
Sa iyong mundo napakatahimik
At hayaan mong ako ang magbigay
Muli ng buhay sa iyong paraiso

Muling ibalik ang mga paru-paro
Muli kang bumalik sa piling ko
Oh, isa lang ang aking hinihiling
Na sana ay tayo na lang ulit

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s