Ikaw at Ako, Asan ang Tayo?

Lagi na lang, lagi na lang
Palagi na lang tayong magkasama
Lagi na lang, lagi na lang
Iniisip kita, palagi na lang

Parati kang may oras para sa’kin
Ang damdamin ko’y para sa’yo na
Sa panahong ‘to, gusto kong makita
Kung ano ang iyong mga kahinaan

Sabi mo sa’kin noon
Ako ang nasa puso mo
Ba’t ngayon nalulungkot?
Pinagsinungalingan ba ako?
Ako pa ba ang sarili ko?
Ako pa ba ay totoo?
Nagbago na ang puso ko dahil sa iyo
Mga pekeng ala-ala ang nasa isip ko

Gusto kong makita ang buong buhay mo
Mga ala-alang ‘di mo mapagtanto
Lubos na ang mga pighating nararamdaman mo
Binalot na ng kamalasan ang buhay mo
Sa isang iglap, biglang nawasak ang mundo ko
Bumalik ka, mahalin mo ako
Malayo na ang narating nating dalawa

Kung kaya ko lang ibalik ang lahat,
Mahuhulog ako sa sariling kawalan
Para ‘di ka maisip,
Ika’y aking kakantahan
“Umalis ka na dito;
Wala na ako.”

Ibalik mo ang puso ko
Alalahanin ang pagmamahal ko
Bumalik ka na sa piling ko

Habang iniisip ka,
Lalo tayong lumalayo sa isa’t-isa
Simula nung araw na iyon,
Naisip ko na isa akong mahinang nilalang

Lagi kang nasa isip ko
Alalahanin mo naman ako
Mas malungkot na ako kaysa sa inakala mo

Maghihintay ako sa’yo.

Ano ang gagawin mo sa buhay mo nang wala ako?
Ano ang gagawin mo para makuha mo pa ako?
Kahit ano pang gawin mo, ikaw pa rin ay isang talunan
Palagi kang naduduwag kahit wala ka namang kalaban
Pati tuloy sa mga ala-ala mo’y nalilito ka na rin
Ang gusto ko lang naman ay tayo’y maging masaya
Ginawa ko na ang lahat, pero ano ang aking napala?
Nakikita mo pa rin bang magkatabi tayong dalawa sa salaming nabasag na?

Nasa tabi mo na ang sagot
Hinihintay ka lang
Minamahal ka lang

“Hindi ako aalis.”
“Hindi kita iiwan.”

Sinungaling ka!

“Paalam.”


Featured image by everydei


Like our Facebook page! fb.com/KahaponPaAkoGising

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s