Bulalakaw

Mahal ko
Maaari ba akong
Lumapit sa iyo?

Hinihiling
Na yakapin mo ako
Pigilin
Ang pagpatak ng luha ko

Hindi ko kayang
Mabuhay sa dilim
Hawakan mo ako

Hinihiling ko lang ngayon
Na sana ay ‘tabi kita
Ngayong madilim
Ba’t ‘di natin pagmasdan
Ang mga tala sa kalangitan?

Hawakan mo ang aking kamay
Huwag ka nang hihiwalay
Kung ika’y aalis, ako’y maghihintay
Kailangan kita sa aking buhay
Ayaw na kitang mawala
Mahal kita

Mahal ko
Maaari ba akong
Yumakap sa’yo?

Kailangan ko ang init mo;
Giniginaw ako
Natatakot na maging mag-isa
Sana kasama kita
Buong magdamag

Sana lagi kitang nakikita
Pagmamasdan ang maamo mong mukha
Sana lagi kitang kausap
Pakikinggan ang boses mong kay sarap sa tainga

Hawakan mo ang aking mukha
Titigan mo ang aking mga mata
Hayaan mong sila na ang magsabi
Kung gaano kita kamahal
Mahal kita

Sana naman
Ngayo’y palagi kang kasama
Hindi ko na kaya pa
Ang mabuhay mag-isa
Kung ako’y hihiling
Sa nahuhulog na tala
Iyon ay makapiling ka

Advertisements

3 thoughts on “Bulalakaw

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s