Wala Na Akong Maisulat

Alam kong darating ang araw
Kung saan wala na akong maisusulat
Na kahit ano para sa iyo

Darating ang araw
Na hindi ka na matutuwa
Sa mga sinusulat kong tula
Na alay ko sa iyo

Darating ang araw
Na aantukin ka na
Sa mga ikukwento ko
Para magising ka

Darating ang araw
Na magbubulag-bulagan ka
At magkukunwaring
‘Di na marunong magbasa

Darating ang araw
Na magbibingi-bingihan ka
At magkukunwaring
‘Di mahilig sa mga kanta

Darating ang araw
Na magsasawa ka na
Sa paulit-ulit kong pagbigkas
Ng “Mahal kita.”

Bago pa dumating
Ang mga araw na iyon
Hintayin mo muna ako
Na sabihing “Ayaw ko na.”

Dahil mawawalan na ng saysay
Ang lahat ng sinusulat ko
Kung ikaw mismong inaalayan ko
Ay tatanggi sa mga gawa ko

Ayaw kong dumating
Ang araw na iyon
Hangga’t meron pang tinta sa pluma ko
Magsusulat pa rin ako
Para sa iyo

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s