Umaga Na Pala

Ambilis ng oras
Umaga na pala
Sumikat na ang araw
Gumising ka na

Antagal kong nawala
Pero ba’t ako nawawala?
Hindi naman ako umalis
Pero ba’t ako bumabalik?

Antagal ko bang nanaginip sa’yo?
Antagal ko bang pinangarap na
Maibalik ang dating tayo?

Hindi kaya bangungot lang ito?
Magigising pa ba ako
Kung wala ka na sa tabi ko?

Hindi ako makatulog nang dahil sa’yo
‘Di makatulog sa kaiisip
Kung ano nga ba ako sa’yo?
Isang ba akong anghel?
O isa nanamang demonyo?

Habang ika’y nahihimbing sa pagkatulog
Ako nama’y naiistorbo sa malakas na tugtog
Tugtog na galing sa puso mong nawasak
Na walang ibang nakakarinig
Kundi ako lang

Lahat na ng pampatulog ay nainom ko na
Pero nananatili pa ring nakadilat ang aking mga mata
Inaantok na ako
Kahapon pa ako gising
Patulugin mo na ako
Huwag mo na akong hayaang gumising

Hindi ako natulog
Pero nagising ako
Sa katotohanan
Na hindi pala tayo


Featured image by jy.khryztle

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s