Nagloloko

Pasensya ka na
Hindi ako makapagreply
Nagloloko kasi ‘yung cellphone ko
Pati ba naman ‘yung cellphone ko
Niloloko na ako

Pasensya ka na
Hindi ko magawa iyong pinapagawa mo
Nagloloko kasi ‘yung computer ko
Pati ba naman ‘yung computer ko
Niloloko na ako

Pasensya ka na
Hindi mo makita ang pagmumukha ko
Nagloloko kasi ‘yung webcam ko
Pati ba naman ‘yung webcam ko
Niloloko na ako

Pasensya ka na
Hindi mo marinig ang boses ko
Nagloloko kasi ‘yung mikropono ko
Pati ba naman ‘yung mikropono ko
Niloloko na ako

Pasensya ka na
Wala akong masabi sa’yo
Nagloloko kasi ‘yung keyboard ko
Pati ba naman ‘yung keyboard ko
Niloloko na ako

Pasensya ka na
Wala akong oras sa’yo
Nagloloko kasi ‘yung internet ko
Pati ba naman ‘yung internet ko
Niloloko na ako

Pasensya ka na
Hindi ako makapunta sa inyo
Nagloloko kasi ‘yung sasakyan ko
Pati ba naman ‘yung sasakyan ko
Niloloko na ako

Pasensya ka na
Pinapaasa lang kita
Nagloloko kasi ‘yung utak ko
Pati ba naman ‘yung utak ko
Niloloko na ako

Pasensya ka na
Hindi kita mahal
Niloloko lang kasi kita
Pati tuloy ako
Niloloko ka na

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s