Chicken Fillet ala King

Um-order ako ng Chicken Fillet ala King sa McDo kanina. Matagal na rin kasi akong hindi nakakain nun. Nung Disyembre ko pa ata huling natikman ang magkatambal na tamis at anghang ng napakasarap na pagkaing iyon. Naalala ko, magkasama pa tayo nung huli akong kumain nun.
“Kumain ka na ba?” tanong ko sa’yo nung dumating ka.
“Hindi pa nga eh,” sabi mo.
“Ano’ng gusto mong kainin?”
“‘Yung paborito natin!”

Hindi ko naman talaga paborito ang pagkaing iyon. Hindi nga ako natuwa nung una kong natikman ‘yun eh. Pero dahil sa’yo, ginanahan na akong kainin iyon. Hindi ko nga maintindihan kung bakit biglang sumarap ‘yung Chicken Fillet ala King sa McDo nung sumunod na kumain ako nun. Binago ba nila ‘yung recipe ng sauce nila? O bigla lang siyang sumarap kasi kasama na kita nun?

Sa unang pagdampi ng matamis na sauce nito sa dila ko, naalala ko bigla ang matatamis nating pinagsamahan. Kulitan, tawanan, at ang pagpapalitan ng mga salitang, “Mahal kita.” Sa bawat subo ko, bumabalik ang mga oras na magkasama pa tayo.
“Hindi ako umiinom ng softdrinks, ha,” sabi ko.
“Sige, ako na ang bahala sa tubig mo,” sabi mo.
Pinawi mo ang uhaw ko nung hindi nararapat sa’kin ang binibigay nila. Hindi mo ako hinayaang mabilaukan sa kaiisip kung tatagal nga ba tayo. Wala na sigurong mas sasarap pa sa kinakain ko, kundi ang pagmamahalan nating dalawa.

Tumatawa pa ako kanina. Akala ko kasi kasama pa kita sa mesa. Mag-isa lang naman pala akong kumakain kanina. Ang dating magkaharap, naging magkatabi pa. Ngunit tayong magkatabi, ngayo’y naghiwalay na. Kung titigil na ba sila sa pagbebenta ng Chicken Fillet ala King, titigil na rin ba ako sa pag-alala sa iyo? Kung mawawala na ang pagkaing iyon sa kanilang menu, mawawala ka na rin ba sa isipan ko?

Minsan, iniisip ko kung ano’ng gagawin ko kung sakaling magkita tayo ulit. Sa McDo. Sa pila. Sa kabilang mesa. Magkatapat. Nag-iisa. Kukumustahin pa ba kita? O iiwas na lang at kakain sa iba? Iyon pa rin ba ang oorderin mo? O may bago ka nang paborito ngayon?

At sa pag-ubos ng pagkain ko, aking napagtanto. Ubos na rin pala ang pag-ibig. Wala na tayo.

Advertisements

One thought on “Chicken Fillet ala King

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s