Masamang Damo

Sa patuloy kong pag-ubos ng oras ko
‘Di ko napansin na wala na siyang pake sa akin
Hindi ko na alam kung may puso pa ba siya
Meron pa nga ba o wala? Ewan ko.

Kung wala na nga akong gawin, may mapapala ba?
Pero ba’t buhay pa rin ako kahit wala ka na?
‘Di ko maintindihan ang mga pangyayari
Siguro ako lang ang may hawak ng buhay ko

Panaginip ba ito o bangungot nga ito?
Sa pagbuka ng bunganga, walang lumabas na salita
Napapagod na ako sa kalungkutan kong ito
Baka mas mainam nang mamatay na lang ako

Kahit na kaya kitang sabihan ng masama
‘Di kaya ng puso ko ang masaktan pa kita
Paano kung kaya ko nga? Ano ang mapapala?
Babalik lahat sa dati, ngunit doon wala ka na

Kung nandun na nga ako, mapapansin ba ako?
Bakit ‘di pa rin ako pinapansin kahit dito?
Ako ba’y nasasaktan? Ako ba’y nalulungkot?
Hindi ko pa rin pala kilala ang sarili ko

Kahit sa paglakad ko, napapagod na ako
Paano ko papansinin ang tao sa paligid ko?
Siguro ay kaya ko pang baguhin ang sarili ko
Kung magbabago ako, tatanggapin mo na ba ako?

May mapapala ba ako kung kasama ulit kita?
Narararamdaman mo ba ako sa tuwing ako’y kasama?
Kung makakaya ko lang na ikaw ay masaktan
Sasabihan din kita na wala kang kwenta

Nasaan na ba ako? Ano na bang lugar ‘to?
Nasa puso mo pa ba o nasa ere pa ako?
Kung bababa ako, sasaluhin pa ba ako?
O babagsak na lang sa lupa at magiging abo?

Kung kaya kong gumalaw pagkatapos mahulog,
Wawasakin ko ang lahat pati na ang puso mo
Kung malulungkot ako sa pagkamatay mo,
Papatawarin na kita sa mga kasalanan mo

Ako ay para sa’yo; ikaw ay para sa’kin
Wala pa rin akong alam tungkol sa nangyari sa’tin
Kung kaya ko lang imulat ang aking mga mata,
Makikita ko ngayon na kasalanan ko pala

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s