Bakit Tayo Iniiwan

Bakit nga ba tayo iniiwan ng mga taong mahal natin?

Ang mga taong minamahal natin ay parang isang bola. Kapag ibinato mo, maaaring bumalik sa’yo; depende sa kung saan siya gawa, sa kung saan mo siya binato, o sa kung paano mo siya ibato. Kung ang hawak mo ay isang bowling ball, at binato mo siya palayo, natural hindi ‘yan tatalbog pabalik sa’yo. Kung ihinagis mo naman siya pataas, maaaring masaktan ka pa kung babalik siya; bahala ka na kung makukuha mo pa. May ibang bola naman na kailangan mo pang ipabato sa iba para lang makuha mo ulit. Pero merong mga tao na hindi na ibabalik ang bola mo at aangkinin na lang sila. Kung ibinalik naman, maaaring hindi mo siya masalo at matamaan ka pa, nasaktan ka pa sa katangahan mo. #ParangLove

May ibang tao na kailangan nilang umalis sa piling mo for some reason. Baka panget ka o di kaya eh ayaw nila sa ugali mo o sa kinikilos mo. May mga tao naman na may gustong iba, maraming pang iba, o gusto lang mapag-isa for the mean time dahil hinahanap pa niya ang sarili niya. May iba rin naman na nahihiyang ligawan ka kasi torpe siya, akala niya irereject mo siya, may jowa ka, may jowa siya, strict ang parents niya, o dahil wala siyang time para sa’yo. Oo. Wala siyang time sa’yo. ‘Yun ang main reason.

I’ll share you 5 things I have learned from my experience when I was still in high school, ang panahon kung kailan uso na ang mga pseudo-relationships (aka MU), hook-ups, lokohan, bilyaran, buntisan, and everything. Maiisip mong medyo cliché na ang mga sasabihin ko pero ‘di niyo ba maiisip na nakaka-relate talaga ‘to sa buhay niyo?


Bakit Tayo Iniiwan?

1. Nagsasawa na siya sa’yo – What makes a relationship last? Presence. Pero paano kung ang presence na ‘yun ang maging dahilan ng pagsasawa niya sa’yo? Ikaw ba naman lagi niyang kasama buong araw. May mga oras din naman kasi na kailangan mo munang mawala nang saglit sa kanya para mamiss ka niya at hanapin ka niya. What an evil way to say, “I love you.” Kung ayaw mo siyang magsawa sa’yo, ayusin mo appearance mo at kung paano ka gumalaw. Sometimes change could be a good thing. Sometimes not.

2. Nagbago ka na – Ayun nga. Minsan kasi, may mga tao na mamahalin ka dahil sa kung sino ka at hindi sa kung ano ang magiging ikaw kapag naging kayo na. Naging kayo lang, nagbago ka na rin ng ugali. Hindi mo na pinapansin ‘yung mga friends mo kasi puro siya na lang ‘yung iniisip mo. Walang may gusto ng ganun. Too much change may remove the old you — the reason that they liked you in the first place.

3. Feeler ka – Naku! Nakita mo ang jowa mo na may kausap na iba na mas maganda/pogi, mas matalino, mas ganito, mas ganyan kaysa sa’yo. Ano ang gagawin mo? Susugurin mo ba sila at magpipisikalan sa kanila? Hay… Umiiral nanaman ang pagkafeeler mo. Walang may gusto ng ganyang ugali. Pwede mo naman silang paki-usapan ah. Pero kung sumosobra na siya, that’s the time where you should always have him/her with you. You might also want someone to spy on him/herand make sure s/he’s on the right track.

4. Overprotective ka – Ang damot mo. Gusto mo sa’yo na lang siya buong araw. Hindi ba siya pwede makipaghang-out with his/her friends? Kayo naman ah, wala ka nang problema dun. Ang importante sa’yo, alam mo kung saan siya pupunta,  kung sino ang pupuntahan niya, at bakit nila kailangang magkita. Sometimes you have to set things free for a while before having them back again.

5. Wala ka nang time sa kanya – Namimiss ka niya, busy ka. Gusto ka niyang kausapin, may kakausapin ka pa. Gusto ka niyang dalhin somewhere, you have a day-out with your friends. Anong iisipin niya? Pinapabayaan mo siya. Ganun mag-isip ang mga tao. ‘Di mo lang sila pansinin ng isang araw, ibig sabihin na nun sa kanila ay ayaw mo na sa kanila. Set your priorities. Ipaintindi mo sa kaniya na importante ‘yung kailangan mong gawin. Kung sinabi nila na mas importante ang gagawin niya kaysa sa’yo, then give him/her your time. Minsan na nga lang kayo magkasama, ganyan ka pa sa kanya. Ang importante, huwag mong hahayaan na lumabo ang relasyon niyo dahil sa putragis na schedule na ‘yan.

“Pero bakit ganun, iniwan na niya ako pero sabi niya eh mahal niya pa rin ako?”

Hindi niya lang maintindihan ang buhay. Akala niya, laru-laro lang ang lahat. Hindi ka video game para i-save at pabayaan na lang muna saglit hanggang sa maging interesado siya uli sa paglaro sa’yo. Kung magsisi man sila sa kanilang pag-iwan sa’yo at bumalik sila sa’yo, isipin mo munang mabuti kung tatanggapin mo pa ba sila sa buhay mo o hindi. Kasalanan mo rin naman ‘yun minsan, eh. Intindihin mo muna sarili mo.

Ngayon ko lang napagtanto. Kasalanan ko rin pala kung bakit iniwan ako.

November 6, 2013


This post originally appeared in Clover Lark’s first blogsite.


Featured image by everydei

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s