Hindi Lalagpas sa Apat

Sabihin mo sa akin.
Ayaw mo na ba?
Lagi ka kasing nawawala.
Saan ka ba pumupunta?
Hindi ka kasi nagpapaalam.

Asan ka na ngayon?
Matagal kaya kitang hinihintay.
Hindi ka naman bumabalik.
Saan ka ba nagpunta?
Ano kaya ginagawa mo?
Nag-aalala kaya ako sa’yo.

May nagawa ba ako?
Kasalanan ko nanaman ba?
Ano ba ang problema?

Pagod na kasi ako.
Ayaw ko nang maghintay.
Hindi ko na kaya.

Meron ka bang iba?
Pakisabi na lang agad.
Maiintindihan ko naman ‘yun.

Pero sino ba siya?
Akala ko ako lang.

Andito naman kasi ako.
Naghanap pa ng iba.
Paano na ako ngayon?
Pababayaan mo na lang?

Bakit ka ba ganyan?
Hindi talaga kita maintindihan.
Ewan ko ba sa’yo.
Gutom lang ata ‘to.

Tayo pa rin ba?
Gusto ko kasing ibalik.

Marami na tayong pinagsamahan.
Mawawala na lang bigla?

Tinawagan kita sa telepono.
Hindi mo naman sinagot.

Wala kang pake sa’kin.
Masakit man, kailangang tanggapin.

Ako na lang kasi.
“Gustuhin man, hindi maaari.”
“Pasensya ka na, ha.”

Maaayos pa natin ‘to.
“Maaari nga, ngunit paano?”
Ako na bahala dun.

Bakit ayaw mo na?
Hindi ka nanaman sumagot.
Umalis ka na bigla.

Hahabulin pa sana kita.
Kaso nakalayo ka na.

Huwag na lang pala.
Hindi ko pala kaya.

Hindi na pala tayo.
Mayroon ka nang iba.

Ako ay pinatay mo
Sa apat na salita
“Ayaw ko na sa’yo;”
“Kaya iiwan na kita.”


Nabitin ka ba dito?
Basahin mo rin ito.

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s