Wala Ka Na

Naaalala ko nanaman
Noong ako’y iyong pinagtripan
Niligaw, ako’y nawala
Nang makita ka, ika’y tawang tawa

Naaalala ko nanaman
Noon una mo ‘kong hinalikan
Oh, ang tamis ng labi mo
“Isa pa please,” sabi ko

Naaalala ko nanaman
Noong tayo’y nag-iinuman
Hinawakan mo ang aking kamay
‘Di ka na bumitaw at sabi mo…

“Please, ‘wag mo akong iwan
Hindi ko na kaya ang mag-isa
Hindi ko kaya ang wala ka.”

“Please, ‘wag mo akong iwan
Hindi ko maisip ang mundo
Na sobrang napakatahimik
Kapag wala ka na.”

Naaala ko nanaman
Noong tayo’y naulanan
Sumilong tayo sa daan
Ngunit patuloy sa basaan

Naaalala ko nanaman
Noong tayo’y nagyayakapan
Ayaw mo akong pakawalan
Ang init mo’y ‘di malilimutan

Naaalala ko nanaman
Nung ako’y iyong sabihan ng
“Mahal na mahal kita.
Hindi kita iiwan pa.”

Tumatak iyon sa isip ko
Pero anong nangyari sa ngayon?

Bakit mo ‘ko iniwan?
Iniwan mo akong mag-isa
Hindi ko kaya ang wala ka

Bakit mo ‘ko iniwan?
Nagunaw na tuloy ang mundo
Na ngayo’y sobrang tahimik
Kasi wala ka na.


Featured image by jy.khryztle

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s