Hindi Ako Makapagsulat

Hindi ako makapagsulat.

At hindi ko matukoy kung bakit. Siguro walang pumapasok sa isipan ko ngayon. Siguro dahil nawalan ako ng inspirasyon. Siguro kasi walang kumukulit sa’kin na tapusin ang sinusulat ko kung ano man iyon.

Ikaw. Ikaw na mahilig magbasa. Ikaw ang kailangan ko ngayong wala akong masulat. Sabihin mo sa’kin kung anong gusto mong basahin sa mismong oras na ‘to ngayon din.

Kung gusto mong mailigtas ang buhay ng mga kaibigan mo, sabihin mo lang. Ikaw ang gagawin kong bida, kahit maging superhero ka pa. Kung gusto mong pumatay ng tao, sabihin mo lang. Ikaw ang gagawin kong kontrabidang magdadala ng kadiliman sa mundo.

Kung gusto mong matuwa, sabihin mo lang. Dadalhin kita sa perya at mananatili tayo dun hanggang umaga. Kung gusto mong matakot, sabihin mo lang. Dadalhin kita sa madilim na lugar kung saan ang daan palabas ay pasikot-sikot. Kung gusto mong mamangha, sabihin mo lang. Dadalhin kita sa mataas na lugar kung saan ka malulula. Kung gusto mong maiyak, sabihin mo lang. Ipaparamdam ko sa’yo kung gaano kasakit ang mawalan ng isang taong minamahal. Kung gusto mong muling makaramdam ng pagmamahal, sabihin mo lang. Hayaan mong ipakita ko sa’yo ang aking mga nararamdaman.

Handa akong magpuyat matapos lang ang kwentong gusto mo. Kung bitin pa ‘yang sinulat ko, sabihin mo lang. Itutuloy ko ‘yan hanggang sa maging kumpleto, abutin man ako ng siyam-siyam sa kaiisip kung paano ko nga ba itutuloy ‘to. Ang gusto ko lang naman kasi ‘yung matuwa ka sa kung ano man ang sinusulat ko.

Wala naman kasing iba ang may gustong basahin ang mga gawa ko kundi ikaw lang.

Kaya lahat tuloy ng sinusulat ko ay para sa iyo.

Pati ito.

Kahit wala ka na sa piling ko, nagawa ko pang isulat ‘to.

Naaalala ko kasi ang mga salitang binitiwan mo.

“Tandaan mo, ako ang number one fan mo!”


Featured image by everydei

 

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s