Ang Tagal Mong Nawala

Sana naman magpaalam ka
Sa susunod na beses
Na aalis ka

Para hindi ako maiwang nakatanga
Naghihintay sa’yo
Na bumalik pa

Sa susunod na beses
Na aalis ka
Sana sabihin mo
Kung bakit nga ba

Para hindi ko isipin
Na ayaw mo na
Para hindi na rin ako umasa

Sa susunod na beses
Na aalis ka
Siguraduhin mo sa akin
Na babalik ka

At sana naman
Pakibilisan mo
Kasi hindi ko talaga kaya
Ang mawala ka sa piling ko

At kung babalik ka
Paki-agahan mo
Hindi kung kailan
Meron na akong bago

Oo, matagal akong naghintay sa’yo
Pero nauubos din ang pasensya ko

Kaya pasensya na
Kung ayaw ko na sa’yo
Pinakawalan ko na kasi
Ang mga paru-paro


Featured image by cutetep

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s