Miss Na Kita

Miss na kita.

Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay gusto pa kita. Hindi sa sinasabi kong mahal pa rin kita; na-miss ko lang ang mga araw na nadiyan ka sa tabi ko.

Miss ko na ‘yung mga araw na magkatabi tayo sa jeep habang namamasyal. Miss ko na ‘yung mga araw na hinahatiran mo pa ako ng pagkain tuwing lunchbreak na. Miss ko na ‘yung mga araw na nililibre mo pa ako ng isaw at kalamares ‘pag uwian. Miss ko na ‘yung mga araw na hinahatid mo pa ako sa bahay pauwi. Miss ko na ‘yung mga yakap mo. Miss ko na ‘yung mga halik mo. Miss ko na ang init ng katawan mo sa tuwing magkasama tayo. Miss ko na ang lahat. At nakakainis isipin na hindi ko na iyon mararanasan pa. Posibleng mangyari ulit iyon sa iba. Pero iba kasi kapag ikaw na ang gumawa. Kahit memoryado ko na ang bawat kilos mo, palagi mo pa ring sinisigurado na ako’y masosorpresa.

Tanggap ko naman na ayaw mo na sa akin. Tanggap ko naman na wala na talaga. Pero ano ba itong nararamdaman ko na hindi ko maintindihan? Paki-explain nga. Bakit hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin ang text mong “Good night! Sweet dreams! Sleep well! Sleep tight!”? Bakit hanggang ngayon, hinihintay ko pa ring marinig ang boses mo kahit napaikling voice message lang ‘yan? Bakit hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin ang selfie mong madilim kasi ayaw mong maistorbo ‘yung kapatid mong natutulog na? Bakit hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin ang “Good morning!” mo bago pa ako bumangon sa higaan? Bakit ganun? Alam kong wala namang darating, pero bakit naghihintay pa rin ako sa’yo?

Minsan iniisip ko kung ano ang silbi ng pag-aalala ko sa iyo at sa lahat ng nangyari sa’ting dalawa. Dapat nga maging masaya ako dahil naging parte ka ng buhay ko. Pero parte ka na lang ng buhay ko. At hindi ka na kasama hanggang sa pagtanda ko.

Siguro ganun talaga. Hindi naman iyon mawawala bigla. Sariwa pa kasi ang lahat ng ala-ala. Pero siguro hindi na ikaw ‘yung hinihintay ko. Posibleng hinihintay ko na lang iyong araw na magugulat na lang ako bigla kasi hindi ka sumagi sa isip ko. Parang bangkay lang ng patay na daga, inaabot ng linggo bago mawala.

Ganun naman talaga dapat eh. Hindi naman kasi lahat ng basura, nabubulok agad sa isang gabi lang. Minsan inaabot ng buwan. Minsan inaabot ng taon. Pero ikaw? Naging ignorante ata ako at sa “Di-Nabubulok” kita naitapon.


Nagustuhan mo ba?
Magugustuhan mo rin ito: Basurahan

 

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s