Theme Song

Alam mo ba,
Kinakanta yung theme song
Nating dalawa
Doon sa karaoke
Kanina

Sinabayan ko sa pagkanta
Ang boses na nakahahalina
At wala akong ibang naaalala
Kundi ikaw
At tayong dalawa

Kung sino man iyong
Sinabayan ko sa pagkanta
Dama ko ang lungkot
Na nararamdaman niya
Ramdam ko na gusto
Na niyang umiyak
Kahit na alam niyang
Masaya ang inaawit niya

Sa bawat linyang kanyang kinanta
Ay sumagi ulit sa aking isipan
Ang lahat ng ala-ala;
Lahat ng nangyari
Sa ating dalawa

Pero bakit pamilyar sa akin
Ang boses na naririnig?
Parang nakikilala ko
At narinig ko na noon

Unti-unti akong lumapit
At dahan-dahang sinundan
Ang boses na mala-anghel

Sa madilim na sulok
Ay aking nakita
Ang nag-iisang babaeng
Hindi ko maaninag ang mukha

Puno ng mga bote ang mesa niya
At tumutulo na sa mesa
Ang alak na natapon niya
Kasabay nun ang pagluha
Ng kanyang mga mata

Sa huling bahagi ng ating kanta
Huminga siya nang malalim
At pinikit ang mga mata
Nang lumitaw na ang huling linya
Hindi na siya nakapagsalita

Ako’y nabigla kasi ganun ka rin dati
Hinahayaan mong ako ang tumapos sa kanta
At kahit madilim, saka ko lang nakilala
Ikaw pala iyong babaeng kumakanta

Advertisements

Leave a Comment

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s